Claudine Barretto, sinagot ang komentong gumanda siya matapos magpaayos ng mukha

Claudine Barretto, sinagot ang komentong gumanda siya matapos magpaayos ng mukha

- Sinagot ni Claudine Barretto ang isang komento sa kanyang post sa Instagram

- Sinabi ng naturang netizen gumanda siya ulit matapos ang maraming 'salamat doc'

- Ani Claudine, sa edad niyang 44 ay wala siyang pinagawa sa kanyang mukha kagaya ng botox o surgery

- Gayunpaman, binanggit niya ang mga procedure na ginagawa sa kanya

Minabuti ni Claudine Barretto na sagutin ang isang netizen na nagkomento sa kanyang post sa Instagram. Sinabi ng naturang netizen gumanda siya ulit matapos ang maraming 'salamat doc.'

Claudine Barretto, sinagot ang komentong gumanda siya matapos magpaayos ng mukha
Claudine Barretto, sinagot ang komentong gumanda siya matapos magpaayos ng mukha
Source: Instagram

Sa pinakabagong post ni Claudine ay binahagi niya ang picture niya kasama si Mr. M. Marami ang nakapansin sa ganda ni Claudine sa ginanap na event.

Ani Claudine, sa edad niyang 44 ay wala siyang pinagawa sa kanyang mukha kagaya ng botox o surgery. Gayunpaman, binanggit niya ang mga procedure na ginagawa sa kanya kagaya ng thermage,ulthera,hifu at exilis.

Read also

Senyora sa picture nila Marian at Kiray: "Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien"

I have never done any work on my face po.my body yes but proud to say st 44 never pa po ako nag pa botox or surgery except mgs thermage,ulthera,hi fu at exilis po

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Claudine Barretto, sinagot ang komentong gumanda siya matapos magpaayos ng mukha
Claudine Barretto, sinagot ang komentong gumanda siya matapos magpaayos ng mukha
Source: Instagram

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Read also

Maris Racal, pinakilig ang SnoRene fans sa bago nitong post

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel