Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"

Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"

- Ibinida ni Kiray Celis ang papuri sa kanya ni Marian Rivera sa kanyang picture sa social media

- Sa kanyang post ay naka-tag si Senyora na pabiro niya pang Pulgoso at aniya ay huwag na itong lumaban

- Sagot naman ni Senyora, talaga raw palang mahilig sa aso si Marian at binahagi pa ang picture ni Marian noong gumanap siyang bilang si Marimar at kasama ang aso nito

- Hindi na ito bago sa kanilang dalawa dahil kadalasan ay kinaaliwan ng netizens ang kanilang birong bangayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang sagutan nina Kiray Celis at Senyora matapos ibida ni Kiray na pinuri siya ni Marian Rivera. Hirit ni Senyora, dog lover daw pala talaga si Marian.

Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"
Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"
Source: Instagram

Sa kanyang post ay sinabihan ni Kiray si Senyora na huwag na itong lumaban dahil mismong si Marian na raw ang nagkomento.

Read also

Nikko Natividad, aminadong idol niya sina Wally Bayola at Jose Manalo

Si ate Marian Rivera nga, napacomment na! Wala na uwi kana pulgoso.. este, Senyora! HAHAHAHAHA

Buwelta ni Senyora, dog lover daw pala talaga si Marian. Binahagi niya ang picture ni Marian bilang Marimar kasama si Pulgoso.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay isang aktres at komedyanteng unang sumikat sa showbiz matapos niyang manalo sa patimpalak na Muntíng Miss U sa dating noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Matatandaang sa isa sa pinakabagong vlog ni Kiray ay pinakita niya ang pagpapatattoo ng kanyang boyfriend. Kinakiligan ito ng mga netizens at marami sa mga ito ang napa-"sana all." Kamakailan ay minabuti din ni Kiray na linawin ang mga isyu kaugnay sa mga pictures niya kasama ang modelong si Kirst Viray na dati na ring naiugnay sa kanya.

Read also

Christian Bables sa nakakakilig na eksena nina Jennica at Argel: "Hanggang jan lang yan"

Samantala, sa pagpanaw ng sikat na celebrity stylist at makeup artist na si Fanny Serrano, isa si Kiray sa nagpahayag ng kanyang kalungkutan. Inalala niya kung paano sila nag kakilala ng sikat na stylist na aniya ay pinahanap talaga siya. Ito ay matapos mabalitaan ni Fanny ang tungkol sa pambu-bully umano sa kanyang make-up at nalagay siya bilang isa sa worst dressed sa isang ball. Ani Kiray, iyon ang naging simula ng lahat kaya mami-miss niya ang kanyang Tito Fanny na tinuturing niyang kanyang fairy godmother.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel