Christian Bables sa nakakakilig na eksena nina Jennica at Argel: "Hanggang jan lang yan"

Christian Bables sa nakakakilig na eksena nina Jennica at Argel: "Hanggang jan lang yan"

- Nagkomento si Christian Bables sa video ng guesting ni Argel Saycon sa "Ur Da Boss" kung saan kinakiligan sila ni Jennica Garcia

- Nabanggit ni Argel sa naturang video na nagagandahan siya kay Jennica

- Sa komento ni Christian, tila pinakalma nito ang mga fans ng tambalan nila ni Jennica

- Marami naman sa kanilang tagahanga ang natawa sa reaksiyon na ito ni Christian

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang si Christian Bables sa mga nagkomento sa video ng pag-guest ni dating PBB housemate Argel Saycon sa Ur Da Boss. Pinakalma ni Christian ang mga tagahanga ng tambalan nila ni Jennica.

Christian Bables sa nakakakilig na interaksiyon nina Jennica at Argel: "Hanggang jan lang yan"
Christian Bables sa nakakakilig na interaksiyon nina Jennica at Argel: "Hanggang jan lang yan" (PIE Channel/Facebook)
Source: Facebook
Mga mahal, kalma. Hanggang jan lang yan.

Matatandaang nagkasama sina Jennica at Christian sa seryeng Dirty Linen kung saan dumami at nabuo ang mga tagahanga ng kanilang tambalan. Sa totoong buhay ay malapit na magkaibigan sila.

Read also

Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"

Marami naman sa kanilang tagahanga ang natawa sa komentong ito ni Christian:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

binakuran na nga HAHAHHAA. Hindi kami kakalma. Wag kang pa kampante bantayan mo yan
Hwag papatalo, beh! Ipa-activate mo na ang great wall of the Philippines!
Naku mahal! Kapag di ka pa gumawa ng moves, mauunahan ka na kay Lala!

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Nikko Natividad, aminadong idol niya sina Wally Bayola at Jose Manalo

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel