Nikko Natividad, aminadong idol niya sina Wally Bayola at Jose Manalo

Nikko Natividad, aminadong idol niya sina Wally Bayola at Jose Manalo

- Ibinida ni Nikko Natividad ang kanyang picture kasama ang "E.A.T." hosts na sina Wally Bayola at Jose Manalo

- Gayunpaman, base sa kanyang picture ay nakasama niya ang dalawa sa programa nilang "Wow Mali: Doble Tama"

- Ani Nikko, idolo niya ang dalawang ito na maituturing na ring batikan pagdating sa pagpapatawa at hosting

- Maging si Nikko ay mahilig ding magpatawa sa kanyang mga posts sa social media at marami ang naaaliw sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Nikko Natividad, idol niya raw sina Wally Bayola at Jose Manalo. Base sa kanyang binahaging picture ay nakasama niya ang kanyang dalawang idolo sa prank show nila na Wow Mali: Doble Tama na napapanood sa TV5.

Nikko Natividad, aminadong idol niya sina Wally Bayola at Jose Manalo
Nikko Natividad, aminadong idol niya sina Wally Bayola at Jose Manalo
Source: Instagram

Maituturing na ring mga batikan sina Wally at Jose sa larangan ng pagpapatawa at hosting. Kabilang sila sa matagal nang hosts ng E.A.T. at kabahagi din ng Eat Bulaga bago pa umalis ang mga original hosts nito.

Read also

Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"

Maging si Nikko ay mahilig ding magpatawa sa kanyang mga posts sa social media at marami ang naaaliw sa kanya.

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kinaaliwan si Nikko Natividad sa kanyang Instagram post bilang kanyang reaksiyon sa rebelasyon ni Jake Ejercito sa vlog ni Charlie Dizon. Isa kasi sa naitanong ay tungkol sa kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram at mabilis ang naging tugon ni Jake na si "Nikko daks." Pabirong sinabihan ni Nikko si Jake na masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya. Sagot naman ni Jake, na nacurious lang daw siya sa mga swimsuit posts ni Nikko .

Read also

Christian Bables sa nakakakilig na eksena nina Jennica at Argel: "Hanggang jan lang yan"

Ibinida ni Nikko ang video niya kasama ang inaanak na si Felize na anak nina McCoy De Leon at Elisse Joson. Makikita sa video na hinahawakan niya ito sa magkabilang kamay at pinapasayaw. Hirit pa ni Nikko, sa halagang 3K kada araw ay mapapalabas niya ang hidden talent ng bata. Pabiro nitong sinabihan sina McCoy at Elisse na may babayaran silang 6K sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel