Nikko Natividad kay Jake Ejercito: "Plsss may asawa at anak nako. Tama na."

Nikko Natividad kay Jake Ejercito: "Plsss may asawa at anak nako. Tama na."

- Kinaaliwan si Nikko Natividad sa kanyang Instagram post bilang kanyang reaksiyon sa rebelasyon ni Jake Ejercito sa vlog ni Charlie Dizon

- Isa kasi sa naitanong ay tungkol sa kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram at mabilis ang naging tugon ni Jake na si "Nikko daks"

- Pabirong sinabihan ni Nikko si Jake na masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya

- Sagot naman ni Jake, na nacurious lang daw siya sa mga swimsuit posts ni Nikko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Biniro ni Nikko Natividad si Jake Ejercito kaugnay sa kanyang rebelasyon na si Nikko ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram. Ani Nikko, masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya.

Read also

Gerald Anderson, ibinida ang sandwich na pinabaon sa kanya ni Julia Barretto

Nikko Natividad kay Jake Ejercito: "Plsss may asawa at anak nako. Tama na."
Nikko Natividad kay Jake Ejercito: "Plsss may asawa at anak nako. Tama na." (@unoemilio)
Source: Instagram

Sa comment section na naturang post ni Nikko ay sumagot si Jake.

Nacurious lang sa swimsuit posts mo bro.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang ilan sa mga artistang nakasuot ng swimsuit ang ginaya ni Nikko kamakailan. Kabilang sina Loisa Andalio at Elisse Joson sa kanyang napagkatuwaang gayahin.

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Read also

Julia Barretto, kasama sa mga artistang lumabas sa soft launch ng ALLTV

Naibahagi din ni Jake ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon. Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita. Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel