Julia Barretto, kasama sa mga artistang lumabas sa soft launch ng ALLTV

Julia Barretto, kasama sa mga artistang lumabas sa soft launch ng ALLTV

- Kabilang si Julia Barretto sa mga napanood sa soft launch ng ALLTV ngayong araw, September 13, 2022

- Nakasama niya sina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez, Ciara Sotto at Ella Cruz sa pagsisimula ng ALLTV sa Channel 2 free TV

- Sa paglabas ni Julia, nag-promote siya para sa palabas na pelikula niyang "Expensive Candy" na lalabas sa mga sinehan bukas

- Matatandaang kamakailan lang ay napanood din si Julia sa Eat Bulaga kung saan sumalang siya sa segment nito na "Bawal Judgemental"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang si Julia Barretto sa mga napanood sa soft launch ng ALLTV sa Channel 2 free TV. Nakasama niya sina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez, Ciara Sotto at Ella Cruz.

Julia Barretto, kasama sa mga artistang lumabas sa soft launch ng ALLTV
Julia Barretto, kasama sa mga artistang lumabas sa soft launch ng ALLTV (@juliabarretto)
Source: Instagram

Sa kanyang paglabas ay nag-promote si Julia para sa kanyang pelikulang "Expensive Candy" na nakatakdang mapanood sa mga sinehan bukas. Kasama ni Julia si Carlo Aquino sa naturang pelikula.

Read also

Gerald Anderson, ibinida ang sandwich na pinabaon sa kanya ni Julia Barretto

Matatandaang kamakailan lang ay napanood din si Julia sa Eat Bulaga kung saan sumalang siya sa segment nito na "Bawal Judgemental" kung saan nag-promote din siya para sa kanyang pinakabagong pelikula.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Julia Barretto ay isang aktres na nagmula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz dahil sa husay nila sa pag-arte. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia. Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Aminado si Julia na nakakapag-usap pa rin sila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Naibahagi niya sa panayam ni Boy Abunda sa kanya na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon. Sa pananaw niya ay maaring magiging sagabal lang sa kanyang showbiz career kapag makipagrelasyon ang dating nobyo. Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel