Gerald Anderson, ibinida ang sandwich na pinabaon sa kanya ni Julia Barretto

Gerald Anderson, ibinida ang sandwich na pinabaon sa kanya ni Julia Barretto

- Binahagi ni Gerald Anderson ang picture ng kanyang sandwich na aniya ay ang kanyang baon

- Naka-tag sa naturang Instagram story ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto

- Maging si Julia ay binahagi din ang IG story na ito ni Gerald sa kanyang sariling IG stories

- Matatandaang sa kabila ng mga lumabas na intriga ay nanatiling matatag ang relasyon nina Gerald at Julia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Gerald Anderson sa pamamagitan ng kanyang Instagram story ang kanyang baon na sandwich. Kapansin-pansin na naka-tag ang girlfriend niyang si Julia Barretto.

Gerald Anderson, ibinida ang sandwich na pinabaon sa kanya ni Julia Barretto
Gerald Anderson, ibinida ang sandwich na pinabaon sa kanya ni Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

Maging si Julia ay binahagi din ang IG story na ito ni Gerald sa kanyang sariling IG stories. Kamakailan ay lumabas ang usap-usapan na nagkakalabuan umano ang dalawa. Dahil sa ginawang pelikula kasama si Kylie Padilla ay naintriga din na nabuntis umano ni Gerald si Kylie.

Read also

Julia Barretto, kasama sa mga artistang lumabas sa soft launch ng ALLTV

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nauna na ring pinabulaanan ni Kylie ang lumabas na bali-balita. Aniya, walang katotohanan ito at super professional lang daw ang relationship nila ni Gerald. Hindi na rin tumagal ang haka-haka nang mamataan ang dalawa na magkasama sa resort ni Gerald.

Gerald Anderson, ibinida ang sandwich na pinabaon sa kanya ni Julia Barretto
Gerald Anderson, ibinida ang sandwich na pinabaon sa kanya ni Julia Barretto (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia. Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Read also

Kendra Kramer, "carbon copy" ng kanyang daddy sa binahaging picture ni Doug Kramer

Aminado si Julia na nakakapag-usap pa rin sila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Naibahagi niya sa panayam ni Boy Abunda sa kanya na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon. Sa pananaw niya ay maaring magiging sagabal lang sa kanyang showbiz career kapag makipagrelasyon ang dating nobyo. Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel