Kendra Kramer, "carbon copy" ng kanyang daddy sa binahaging picture ni Doug Kramer

Kendra Kramer, "carbon copy" ng kanyang daddy sa binahaging picture ni Doug Kramer

- Ibinida ni Doug Kramer ang kanyang picture noong 13 years old siya at ang picture ng panganay niyang anak na si Kendra Kramer na kasalukuyang nasa parehas na edad

- Marami ang sumang-ayon kay Doug na 'carbon copy' niya ang panganay na tinawag niyang Dougita

- Ilan sa mga netizens ang namangha dahil sa pag-aakalang si Cheska Garcia ang mas kamukha ni Kendra

-Maging ang ilang showbiz personalities ay napakomento sa pagiging magkamukha ng mag-ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Doug Kramer ang picture ng aniya'y sina "Doug at Dougita." Ito ay ang pinagtabing picture nila ng panganay niyang anak na si Kendra Kramer.

Kendra Kramer, "carbon copy" ng kanyang daddy sa binahaging picture ni Doug Kramer
Kendra Kramer, "carbon copy" ng kanyang daddy sa binahaging picture ni Doug Kramer (@dougkramer)
Source: Instagram

Ang throwback picture ni Doug ay kuha umano noong siya ay 13 taong gulang habang si Kendra naman ay nasa ganoong edad sa kasalukuyan.

Marami naman sa mga netizens at maging ang ilang showbiz personalites ang sumang-ayon na si Kendra ay 'carbon copy' ng kanyang ama.

Read also

Mariano G, nagpropose na kay Cindy; pinakita ang kanilang engagement video

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Sa kanilang YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug at Chesca ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak. Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila. Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.

Kamakailan ay binahagi ni Doug ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school. Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin. Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school. Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel