Rosmar Tan, nag-ala Marian Rivera sa TikTok: "Mygaaaad nakakalito, sino dito si Marian?"

Rosmar Tan, nag-ala Marian Rivera sa TikTok: "Mygaaaad nakakalito, sino dito si Marian?"

- Maging si Rosmar Tan ay kumasa sa nauusong sayaw sa TikTok matapos ang trending dance video ni Marian Rivera

- Yung video ni Marian na umabot na sa mahigit 72 million views ay nauso sa mga netizen at marami na din ang gumaya sa kanyang sayaw

- Maging yung kay Rosmar ay umabot na sa mahigit 6 million views kung saan makikitang nagsuot din siya ng sombrero at puting t-shirt

- Biro pa niya sa kanyang Facebook post, nakakalito daw kung sino sa kanila si Marian

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umabot na sa mahigit 7 million views ang "ROSMARIAN RIVERA" TikTok video ni Rosmar Tan. Sa naturang video ay ginawa niya ang nauusong dance moves ni Marian para sa kantang "Pricetag."

Rosmar Tan, nag-ala Marian Rivera sa TikTok: "Mygaaaad nakakalito, sino dito si Marian?"
Rosmar Tan, nag-ala Marian Rivera sa TikTok: "Mygaaaad nakakalito, sino dito si Marian?" (@marianrivera)
Source: Instagram

Matapos nga mag-post ni Marian ng dance video ay agad itong nag-viral at kasalukuyang tumabo sa mahigit 72 million views ang naturang video.

Read also

Madam Inutz, inalala ang pagkakataong na-KMJS siya: "2 years na"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa Facebook naman ay pabirong ibinida ni Rosmar ang kanyang TikTok video:

Grabe HAHAHA. Trending malala pag si rosmar ang gumawa. Mygaaaad nakakalito, sino dito si Marian? HAHHAA

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar." Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy.

Kamakailan ay nag-post si Buboy Villar ng picture nila ni Marian nang magkasama sila sa isang event ng skin care company. Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng Darna. Matatandaang naibahagi ni Buboy na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian. Matatandaang una silang nagkasama sa teleseryeng “Dyesebel" na aniya ay naging simula ng kanyang career bilang si Buboy.

Read also

Carlo Aquino kay Charlie Dizon: "Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together"

Naiyak naman si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian. Mismong si Marian pa ang nagpalapit sa kanya kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya. Ani Zeinab, si Marian talaga ang idolo niya at maging ang ilang gawi nito ay talagang ginagaya niya. Bago pa man ilabas ni Zeinab ang kanilang video, una nang nag-viral ang larawan ni Zeinab kasama sina Marian at mister nitong si Dingdong Dantes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel