Zeinab Harake, naiyak nang makita at makasama ang idolong si Marian Rivera

Zeinab Harake, naiyak nang makita at makasama ang idolong si Marian Rivera

- Naiyak si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian Rivera

- Mismong si Marian pa ang nagpalapit sa kanya kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya

- Ani Zeinab, si Marian talaga ang idolo niya at maging ang ilang gawi nito ay talagang ginagaya niya

- Bago pa man ilabas ni Zeinab ang kanilang video, una nang nag-viral ang larawan ni Zeinab kasama sina Marian at mister nitong si Dingdong Dantes

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang pagsidlan ng kasiyahan si Zeinab Harake nang makita at makasama sa kauna-unahang pagkakataon ang idolo niyang si Marian Rivera.

Zeinab Harake, naiyak nang makita at makasama ang idolong si Marian Rivera
Zeinab Harake at Marian Rivera (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nakasama niya ito sa event ng beauty product na pareho nilang ini-endorso.

Nakasama rin ni Zeinab sa naturang event ang kaibigan niyang si Jelai Andres gayundin ang 'Ding' ni Marian nang siya ay maging Darna.

At nang makarating na nga si Marian, emosyonal si Zeinab at walang ibang nasabi kundi "Sobrang Ganda mo!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kitang-kita ang pagiging fan girl ni Zeinab na kahit kilala at popular na rin siya, mapapansin ang pagkamangha pa rin niya sa kanyang idolo.

Lalo pang kinilig si Zeinab nang tawagin mismo siya ni Marian sa kanilang picture taking at itinabi siya nito sa kanya.

Naikwento rin ni Marian na nakaka-DM lamang niya si Zeinab noon ng "See you soon" hanggang sa tuluyan na nga silang nagkita.

"Ate parang nananaginip talaga ako," ani Zeinab na tulad ng karaniwang reaksyon ng isang fan, kinakabahan at naiiyak siya.

Hanggang sa kanyang pag-uwi. Naisipan pa ni Zeinab na patugtugin at sabayan ng sayaw sa kanyang sasakyan ang kanta ni Marian na 'Sabay-sabay tayo.'

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Naiabahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersya.

Ilan dito ay ang hiwalayan nila ng dating partner at ama ng anak niyang si Bia na si Skusta Clee. Halos kasabay din nito ang pagsasapubliko ni Zeinab ng pagkawala ng kanya sanang ikalawang baby na napangalanan pa niyang si 'Moon.'

Naroon ding balutin ng intriga ang kanyang buhay dahil sa rebelasyon 'di umano sa kanya ng kapwa vlogger na si Wilbert Tolentino.

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niyang ito, ay makikitang maayos pa ring natapos ang taong 2022 para kay Zeinab. Bukod sa patuloy na pagkakaroon ng blessings tulad ng bagong bahay at sasakyan, nadagdagan ang malalapit na kaibigan sa katauhan ni Ivana Alawi na nakasama muli niya sa kanyang mga vlog bilang kanya umanong twin sister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel