Antonette Gail, nanganak na sa panganay na anak nila ni Whamos Cruz

Antonette Gail, nanganak na sa panganay na anak nila ni Whamos Cruz

- Masayang ibinahagi ni Whamos Cruz ang video kung saan kabado siyang naghihintay na makapanganak na si Antonette

- Hindi niya maipagkailang sobra ang kanyang kaba habang naghihintay siya na makasama ang kanyang mag-ina

- Hindi maitago ni Whamos ang saya nang unang masilayan ang anak na aniya ay ang puti-puti at matangos ang ilong

- Inalalayan at inalagaan niya rin si Antonette bago at matapos itong manganak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masaya si Whamos Cruz na sa wakas ay nakasama na nila ni Antonette Gail ang kanilang anak na si Baby Meteor. Hindi niya maipagkailang sobra ang kanyang kaba habang naghihintay siya na makasama ang kanyang mag-ina.

Antonette Gail,nanganak na sa panganay na anak nila ni Whamos Cruz
Antonette Gail,nanganak na sa panganay na anak nila ni Whamos Cruz (@Whamoscruz)
Source: Facebook

Sa video na binahagi ni Whamos, makikitang hindi nito iniwan si Antonette at patuloy ang pagpapalakas ng loob niya habang nagle-labor si Antonette. Hindi naman na nakasama si Whamos sa delivery room at naghintay na lamang siya sa kanilang kwarto.

Read also

Ryssi, ipinakilala ang kanyang baby boy; ipinakita ang mga kaganapan sa binyag nito

Hindi naman maitago ni Whamos ang kasiyahan nang sa wakas ay nahawakan na niya ang anak. Minana umano nito ang pagiging maputi ni Antonette at matangos din ang ilong ng anak nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos manganak ni Antonette ay alagang-alaga pa rin siya ni Whamos.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel