Ryssi, ipinakilala ang kanyang baby boy; ipinakita ang mga kaganapan sa binyag nito

Ryssi, ipinakilala ang kanyang baby boy; ipinakita ang mga kaganapan sa binyag nito

- Ipinakita na ni Ryssi Avila ang kanyang baby boy sa publiko na siyang dahilan bakit namahinga siya nang matagal sa social media

- Naikwento rin niya nang mag-live shows na sa 'Idol Philippines', kakapanganak pa lamang niya

- Malaki umano ang nabago sa kanyang buhay buhat nang siya ay maging isa nang ganap na ina

- Ibinahagi rin ni Ryssi ang mga kaganapan sa binyag ng kanyang baby na ginanap noong Disyembre 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ipinakilala na ni Ryssi Avila sa publiko ang kanyang baby boy. Sa kanya mismong YouTube channel, nagbigay detalye siya tungkol sa kanyang anak na pinangalanan niyang 'Anghel.'

Ryssi, ipinakilala ang kanyang baby boy; ipinakita ang mga kaganapan sa binyag nito
Ryssi Avila kasama ang kanyang baby Anghel (Ryssi YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na limang buwan na si Baby Anghel na talaga namang nababagay sa kanya ang kanyang pangalan.

Kwento ni Ryssi, kapapanganak pa lamang niya kay Anghel nang sumabak siya sa Idol Philippines.

Read also

Ryssi Avila, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging ina

"Hindi niyo lang po alam na noong time na nag-live shows na ako, kakapanganak ko lang," aniya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sinikap ko na matapos 'yun. Sinikap ko na ilaban yung pangarap ko para sa sarili ko at siyempre para sa anak ko," paliwanag pa ni Ryssi

Kasabay ng pagpapakilala ni Ryssi sa kanyang baby Anghel ang pag-unbox niya ng kanyang silver play button sa YouTube. Sa ngayon kasi, mahigit 300,000 na ang kanyang subscribers sa kanyang channel na "Ryssi."

Samantala, ibinahagi din niya ang ilang mga kaganapan sa binyag ni Anghel na ginanap noong Disyembre 2022.

Ilan sa mga namataang personalidad na naroon ay sina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan.

Si Ryssi Avila na may tunay na pangalang Rosarely Avila kilala sa kanyang mga cover songs. Una siyang napanood sa Tawag ng Tanghalan kung saan apat na beses siyang naging defending champion. Bagama't hindi naging kampeon sa nasabing singing competition, naging daan pa rin ito upang makilala siya dahil na rin sa husay niya sa pagkanta. Nito lamang 2022, sumali naman siya sa Idol Philippines kung saan siya tinanghal bilang first runner-up.

Read also

Isko Moreno, naka-relate sa mga kwento ng buhay ni Coco Martin

Samantala, naging usap-usapan ang pagsali ni Ryssi sa Idol Philippines nang isiwalat niya ang kontrobersyang kinasangkutan niya. Matatandaang matapos ang kanyang naging performance sa audition, naikwento niya sa mga judges ang tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa umano'y dating magkasintahan na sina Skusta Clee at Zeinab Harake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel