Ryssi Avila, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging ina

Ryssi Avila, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging ina

- Ibinahagi ni Ryssi Avila sa social media ang tungkol sa kanyang pagkakaroon ng anak

- Proud niyang pinakita ang kanyang stretchmark at pinagmalaki ang kanyang pagiging ina

- Sa isang panayam ay nabanggit niyang hindi sila okay ng ama ng kanyang anak na limang buwan na

- Gayunpaman, hindi na niya pinangalanan kung sino ito at aniya sa tingin niya ay mas mabuting huwag na lang niyang sagutin ang tanong tungkol sa ama ng anak niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isinapubliko ni Ryssi Avila ang pagkakaroon niya ng anak na sa kasalukuyan ay limang buwan na. Aniya, mas nagkaroon siya ng purpose para magsikap ng magkaroon siya ng anak.

Ryssi Avila, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging ina
Ryssi Avila, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging ina (@www.facebook.com/iamryssi)
Source: Facebook

Aniya, wala siyang pagsisisi na nabuntis siya dahil aniya, naniniwala siyang hinayaan ng Diyos na mangyari ang lahat. Naging mas mabuting tao umano siya nang magkaroon nsiya ng anak.

Read also

Ellen Adarna, tumangging magbigay ng komento sa cake issue ni Alex Gonzaga

Sa isang panayam ay nabanggit niyang hindi sila okay ng ama ng kanyang anak. Hindi niya umano naisip na magiging broken family din ang pamilya niya kagaya sa nangyari sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Proud naman niyang pinakita ang kanyang stretchmark at pinagmalaki ang kanyang pagiging ina sa isang Facebook post.

Si Ryssi Avila o Rosarely Avila ay nakilala sa kanyang mga cover songs na binabahagi,. Sumali din siya sa Tawag ng Tanghalan kung saan naging 4 na beses siyang naging defending champion. Hindi man pinalad sa Tawag ng Tanghalan, naging daan ito upang lalo siyang makilala sa social media. Kinalaunan ay sumali siya sa Idol Philippines 2022 kung saan hinirang siyang first runner up.

Isa sa isyung kinasangkutan ni Ryssi ay nang maugnay siya sa rapper na si Skusta Clee. Matapos ang halos dalawang buwan na lagi silang magkasama sa condo unit ng rapper ay naglabas ito ng pahayag laban kay Ryssi. Matatandaang naging usap-usapan ang pagtira niya doon dahil sa paghihiwalay nila ng ex niyang si Concon Felix.

Read also

Rabiya Mateo, pinakita ang nabiling bahay para sa kanyang pamilya

Samantala, naging usap-usapan ang pagsali ni Ryssi sa Idol Philippines.' Marami ang humanga sa talento niya matapos mag-viral ang video ng kanyang audition. Nang kausapin siya ng mga hurado bago ang kanyang performance ay binahagi ni Ryssi ang tungkol sa kanyang kinasangkutang isyu kung saan nadawit siya sa dating magkarelasyong Zeinab Harake at Skusta Clee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel