Rabiya Mateo, pinakita ang nabiling bahay para sa kanyang pamilya

Rabiya Mateo, pinakita ang nabiling bahay para sa kanyang pamilya

- Pinakita ni Rabiya Mateo ang nabili niyang bahay sa Iloilo para sa kanyang pamilya

- Hindi niya pinagkaila na medyo emosyonal siya lalo na naiisip niya ang naging buhay nila noon na umuupa lamang at palipat-lipat ng tirahan

- Ani Rabiya, masarap sa pakiramdam na mabigay sa mahal niya sa buhay ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanila

- Hindi din niya kinaligtaang pasalamatan ang mga taong aniya ay nagtiwala sa kanya at nagbigay ng trabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Rabiya Mateo na emosyonal siya habang pinapakita ang nabili niyang bahay dahil naiisip niya umano ang naging buhay nila noon na umuupa lamang at palipat-lipat ng tirahan. Pinasalamatan niya ang mga taong naging daan para sa mga natanggap niyang mga biyaya.

Rabiya Mateo, pinakita ang nabiling bahay para sa kanyang pamilya
Rabiya Mateo, pinakita ang nabiling bahay para sa kanyang pamilya (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Ani Rabiya, kung titingnan ang naging buhay nila noon ay parang imposible na makabili sila ng sarili nilang bahay. Hiling niya rin na mapaganda pa nila ang bahay na nauna niya na ring naikwento sa isang panayam.

Read also

Zeinab Harake, fan girl kina Dingdong at Marian; "My forever lodi, My Marimar"

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang isang cryptic post ang binahagi ni Rabiya sa kanyang Instagram post na talaga namang naging usap-usapan. Hindi na nito binanggit kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit bumuhos ang mensahe ng pagsuporta sa kanya. Sa isa sa kanyang sagot sa mga mensahe sa kanya, sinabi niyang kailangan niya ng virtual hug. Matatandaang kamakailan lang inamin nina Rabiya at ng kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales ang tungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, ikinuwento ni Cristy Fermin ang tungkol sa aniya'y naging relasyon ni Jeric sa isang mayamang businessman na aniya'y "trinabaho" nang husto ng aktor. Pinaalis umano ng asawa ng businessman sina Jeric kasama ang kanyang pamilya na nakatira sa isang bahay ng mag-asawa. Ani Nay Cristy, alam niyang may tampo si Jeric sa kanya ngunit mas gugustuhin umano niyang magalit sa kanya si Jeric dahil hindi niya pinaniniwalaan ang umano'y 'kasinungalingan' nito. Matatandaang kamakailan ay may mga malisyosong mga litrato ang aktor kung saan may kasama siyang isang lalaki.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel