Cristy, naalarma nang gawing biruan sa concert ni Toni ang cake issue ni Alex

Cristy, naalarma nang gawing biruan sa concert ni Toni ang cake issue ni Alex

- Naalarma si Cristy Fermin nang gawin pala umanong biruan ang cake issue ni Alex Gonzaga sa concert ng kanyang Ate Toni

- Aniya, ito raw umano ang paraan ni Alex upang tuluyan nang maka-move on sa nangyari

- Subalit dapat umano nitong tandaan na hindi madaling makalimot ang publiko sa nagawa nito sa waiter na pinahiran niya ng icing

- Napansin din umano nina Cristy ang peroformance ni Alex sa concert ng kapatid na 'di raw basta magagawa ng isang babae na galing sa isang pagsubok

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagulat umano si Cristy Fermin sa umano'y biruan nina Toni Gonzaga ang kinasangkutang cake issue ni Alex kamakailan.

Cristy, naalarma nang gawing biruan sa concert ni Toni ang cake issue ni Alex
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalamang ng KAMI na marami umano ang umalma dahil sa ginawang biruan na lamang ng magkapatid ang pagpapahid ng icing ng cake ni Alex sa waiter na kalauna'y nakilalang si Allan Crisostomo.

"Ginamit niyang content sa concert ng Ate niya yung tungkol sa kabalbalan na ginawa niya. Para sa kanya, yun ang paraan niya ng pagsulong," ani Cristy.

"Hindi gagagawin ng isang babae na galing sa isang matinding pagkontra ng publiko yung ginawa niyang pagliyad-liyad na para siyang naghahamon na parang sekswal ang dating," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi po ganoon kadaling kalimutan ng ating mga kababayan ang ginawa niyang pambu-bully at pambabastos sa waiter."

"Sabi ko nga nung trinato mo ng ganon ang isang taong hindi mo co-equal, markado ka na doon e," paliwanag ni Cristy.

Hiling na lamang umano ni Cristy na mapanindigan ni Alex ang kanyang sinabi na magbabago na siya.

Isang video na kuha rin umano sa naturang concert ni Toni ang lumabas kung saan nagbiruan ang magkapatid tungkol sa cake.

Ani Toni, na nag diriwang din ng kanyang kaarawan, wala umano siyang cake sa naturang concert dahil inilalayo na nila umano ito sa kapatid na si Alex. Matatandaang halos kakahupa lamang ng isyu kay Alex na namahid 'di umano ng icing ng kanyang cake sa waiter na may dala nito.

Matatandaang gumawa rin ng ingay kamakailan ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano nang sabihin umano nitong most powerful celebrity ang kanyang misis.

Inalmahan naman ito ng ng marami dahil sa ang naging basehan nila umano ay ang pelikula nitong My Teacher na hindi manlang nakapasok sa top 4 ng MMFF movies noong 2022.

Gayunpaman, base sa inilabas nilang video at mga nakapanood mismo, tila bumawi si Toni at masasabng isang tagumpay ang kanyang 20th anniversary concert.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel