Buboy Villar, binahagi ang picture nila ni Marian Rivera

Buboy Villar, binahagi ang picture nila ni Marian Rivera

- Nagpost si Buboy Villar ng picture nila ni Marian Rivera nang magkasama sila sa isang event ng skin care company

- Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng Darna

- Matatandaang naibahagi ni Buboy na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian

- Matatandaang una silang nagkasama sa teleseryeng “Dyesebel" na aniya ay naging simula ng kanyang career bilang si Buboy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Buboy Villar ang picture nila ni Marian Rivera nang magkasama sila sa isang event. Matatandaang naibahagi ni Buboy na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian.

Buboy Villar, binahagi ang picture nila ni Marian Rivera
Buboy Villar, binahagi ang picture nila ni Marian Rivera (@buboyvillar)
Source: Instagram

Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng Darna kung saan si Buboy ang gumanap bilang si Ding. nagkasama rin sila sa seryeng Dyesebel.

Narito ang ilang komento ng netizens:

The most iconic darna and ding in ph television. Fact that someone can ignore but couldn't ever deny. Sana may serye kau ulit kakamiss kau darna and ding

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sana mag sama uli kayo ..Sa Movie naman ❤️Ding at Darna
Forever favorite Darna and Ding!Miss na namin makita kayong dalawa together. Sana may pagsamahan ulit kayong project

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel