Ogie Diaz sa pagbanggit ng pangalan nila ni Liza sa post ni Xian: "'Di po ako galit kay Xian Gaza"

Ogie Diaz sa pagbanggit ng pangalan nila ni Liza sa post ni Xian: "'Di po ako galit kay Xian Gaza"

- Muling nilinaw ni Ogie Diaz na wala umano siyang kinalaman sa pinakabagong nai-post ni Xian Gaza

- Aniya, hindi rin siya galit sa kanyang kumpare at kaibigan na si Xian Gaza

- Hindi niya umano hawak ang mga desisyon ni Xian sa buhay at hindi lahat ng mga nasasabi nito ay may basbas niya

- Nasabihan na rin umano ni Ogie D si Xian na tigilan na umano nito ang pagiging 'Marites' lalo na kung walang sapat na pruweba sa mga naipo-post nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binigyang diin muli ni Ogie Diaz na wala umano silang kinalaman ni Liza Soberano sa isa sa mga post ni Xian Gaza kamakailan.

Nalamam ng KAMI na ito ay matapos ang haka-haka ni Gaza sa larawan ni Karla Estrada kung saan nahagip si Barbie Imperial na kanyang naiugnay naman sa relasyon ng 'KathNiel.'

Read also

Ogie D, pinayuhan si Barbie Imperial na magsalita na rin ukol sa 'Kathniel' isyu

Ogie Diaz sa pagbanggit ng pangalan nila ni Liza sa post ni Xian: "'Di po ako galit kay Xian Gaza"
Ogie Diaz (Screengrab from Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook

Una nang binigyang linaw ni Ogie D na bagama't kumpare niya at kaibigan si Gaza at 'Chairman' pa ang tawag ng kanyang alagang si Liza Soberano rito, wala umano silang koneksyon sa viral post.

Aniya, hindi naman daw siya galit kay Xian na napagsabihan na rin niyang bawasan ang pagiging 'Marites' lalo na kung wala naman daw itong sapat na pruweba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi po ako galit kay Xian Gaza. Opo, at magkumpare at magkaibigan pa rin po kami. Ang nililinaw ko lang, hindi po lahat ng desisyon sa buhay ni Xian Gaza ay may basbas ko. Kung paano ang mga desisyon ko sa buhay ay wala rin namang basbas ni Xian Gaza," pahayag ni Ogie Diaz.

Narito ang kabuuan ng kanilang mga napag-usapan nina Mama Loi at Tita Jegs sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Read also

Ogie Diaz sa sinasabing patuloy na nang-iisa: "Nasakote din. Finally!"

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa sa mga naitampok ni Ogie ay si Pokwang at ang kabutihan ng puso nito kung saan nagawa pang kaawaan ang taong nanloko umano sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel