Ogie D, pinayuhan si Barbie Imperial na magsalita na rin ukol sa 'Kathniel' isyu

Ogie D, pinayuhan si Barbie Imperial na magsalita na rin ukol sa 'Kathniel' isyu

- Nararapat din daw sanang magsalita na si Barbie Imperial patungkol sa mga nasabi ni Xian Gaza sa KathNiel ayon kay Ogie Diaz

- Ito ay upang mas matuldukan na umano ang isyu na ibinabato ni Xian Gaza sa relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Nagbigay na rin ng pahayag sina Kathryn at Daniel sa isyu at pinabulaanan ang mga haka-haka ni Gaza na wala umanong sapat na basehan

- Matatandaang dahil lamang umano sa larawan ni Barbie na nahagip sa tabi ni Karla Estrada na ina ni Daniel Padilla, nabigyan na umano ito ng kwento ni Gaza

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinayuhan ni Ogie Diaz ang aktres na si Barbie Imperial na mas mainam na magsalita na rin ito sa isyu na nabuo 'di umano ni Xian Gaza sa relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel).

Read also

Ogie Diaz sa pagbanggit ng pangalan nila ni Liza sa post ni Xian: "'Di po ako galit kay Xian Gaza"

Nalaman ng KAMI na sa showbiz update ni Ogie D, isa sa mga napag-usapan nila nina Mama Loi at Tita Jegs ay ang kwentong nabuo umano ni Gaza sa larawan ni Karla Estrada kung saan nahagip si Barbie Imperial.

Barbie Imperial, dapat din daw magsalita sa nasabi ni Xian Gaza sa KathNiel ayon kay Ogie Diaz
Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Una nang nagbigay ng pahayag si Daniel na huwag nang patulan ang haka-haka ni Gaza at nilarawan itong 'nonsense'.

Sa comment naman ni Kathryn sa isang post, sinabi niyang "alagang Ford" siya na apelyido nina Daniel at Karla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit ayon kay Ogie, hinihintay din umano ng publiko na mismong si Barbie ang magsalita upang tuluyan nang matuldukan ang isyu.

"Kaya lang ang inaasahan din ng lahat 'e yung magsalita rin si Barbie. Para lang pabulaanan ito para tapos na at pangalawa 'e matulungan din niya 'yung pamilya Ford," pahayag ni Ogie D.

Read also

Ogie Diaz: "Wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa ipino-post ni Xian Gaza"

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa sa mga naitampok ni Ogie ay si Pokwang at ang kabutihan ng puso nito kung saan nagawa pang kaawaan ang taong nanloko umano sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel