Video kung saan nadulas umano si Kyle tungkol sa BF ni Francine, binalikan ng netizens

Video kung saan nadulas umano si Kyle tungkol sa BF ni Francine, binalikan ng netizens

- Muling nag-viral ngayon ang isang video kung saan nagkukulitan ang 'Gold Squad' na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin at Andrea Brillantes

- Makikitang bahagi ng kulitan ang pagpalo ng unan kay Kyle na inawat naman agad ni Seth

- Doon hindi inaasahang nasambit ni Kyle ang tungkol sa 'boyfriend' umano ni Francine

- Mainit na usapan ngayon ang mga larawan ni Seth kasama si Francine at ang pamilya nito na kuha umano sa pagdiriwang ng Bagong Taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling umagaw ng atensyon sa social media ang dating video ng 'Gold Squad' na kinabibilangan nina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

Nalaman ng KAMI na sa naturang video, nadulas umano si Kyle patungkol sa 'boyfriend' ni Francine.

Video kung saan nadulas umano si Kyle tungkol sa BF ni Francine, binalikan ng netizens
'The Gold Squad' na binubuo nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz (Photo from Magandang Buhay)
Source: Facebook

Sa lumang video ng Gold Squad na muling naibahagi ng Isyus, makikitang bahagi ng kulitan nila ang pagpalo ng unan kay Kyle.

Read also

Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account

Sinaway naman sila ni Seth at sinabing "Huy teka lang inaaway niyo na naman si Kyle e," na agad namang sinundan naman ito ni Kyle habang nakaharap kay Francine ng "Kaya nga eh. Mas may pake yung boyfriend mo kaysa..."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita ang reaksyon ni Seth na tila napatingin kung saan sabay takip ng kanyang unan sa ulo.

Kamakailan kasi ay mabilis na nag-viral ang larawan ni Seth na kasama si Francine at pamilya nito.

Labis na nagulat umano ang mga netizens gayung ang ka-love team ni Seth ay si Andrea Brillantes habang si Kyle naman ay si Francine.

Si Francine Carrel Saenz Diaz ay isa sa kilalang aktres at product endorser sa bansa. Nagsimula ang kanyang acting career sa mga TV series na The Blood Sisters, We Will Survive, Ikaw Lang ang Iibigin, and Be My Lady. Subalit mas nagningning ang kanyang career nang bigyang buhay niya ang karakter ni Cassandra Mondragon sa Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Read also

Andrea Brillantes, bumwelta sa netizen na nagkomento sa kanyang TikTok video

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang pagsisimula ni Francine sa showbiz kung saan inamin niyang nangungutang pa sila noon ng pamasahe patungo sa mga VTR ng kanyang commercials at sa bahay na lamang sila kumakain para lamang makatipid ng pera.

Samantala, ang kanya naman ka-love team sa Kadenang Ginto na si Kyle Echarri ay isa sa mga naging celebrity housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel