Ryan Bang, inihalintulad ang maliit na tirahan noon sa bahay sa pelikulang 'Parasite'

Ryan Bang, inihalintulad ang maliit na tirahan noon sa bahay sa pelikulang 'Parasite'

- Naihalintulad ni Ryan Bang ang kanilang dating tirahan sa bahay na nasa pelikulang 'Parasite'

- Aminado ang komedyante sa hirap ng buhay na kanyang dinanas noong kabataan niya

- Naranasan din niyang tumira sa isang piano room lamang sa tulong ng kaibigan ng kanyang ina

- Sa piano room din na iyon natuklasan ni Ryan ang bansang Pilipinas n 'di nagtagal ay napuntahan niya at piniling maging ikalawang tahanan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikumpara ni Ryan Bang ang dati nilang tirahan ng kanyang ina sa Korea sa bahay ng family driver ng pelikulang Parasite.

Nalaman ng KAMI na buong tapang na inamin ni Ryan ang pinagdaanan niya at ng kanyang ina sa South Korea.

Ryan Bang, inihalintulad ang maliit na tirahan noon sa bahay sa pelikulang 'Parasite'
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

Basement 1 kung tawagin ang lugar na tulad umano sa patok na Korean film na 'Parasite'. Mas malaki pa nga raw ang nasa pelikula na nangangahulugang maliit lamang talaga ang tirahan noon nina Ryan.

Read also

Ryan Bang sa kanyang mga empleyado: "Gusto ko magkaroon sila ng sariling bahay"

"Tapos lumipat kami, sa basement 1 parang 'Parasite' naalala ko bahay namin. Mas malaki nga 'yung sa Parasite movie. Doon nakikita ko 'yung mga paa naglalakad-lakad."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula sa lugar na iyon, lumipat pa raw sila sa mas maliit na lugar. Tumuloy sila sa isang room ng piano school na pagmamay-ari ng kaibigan ng kanyang ina.

Naalala niyang doon sa piano room na ito nakita niya ang isang libro na tungkol sa Pilipinas. Ito ang naging daan para maalala ng kanyang ina ang tungkol sa best friend nito na nasa Pilipinas.

Kwento ni Ryan, nang maayos pa ang negosyo ng kanyang mga magulang, natulungan nila ang best friend na ito ng kanyang ina. Hanggang sa naging matagumpay naman ito sa Pilipinas.

Grade 7 pa lamang daw siya noong unang mapadpad sa bansa at tumuloy siya sa matalik na kaibigan ng ina na itinaguyod naman siya at pinag-aral.

Read also

Ryan Bang, inaming sumama ang loob noon sa ina nang malamang dishwasher ito

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Ryan na kanyang ibinahagi sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Isa sa mga pinakakinagiliwan ng marami na vlog ni Ryan ay ang collab nila ni Herlene "Hipon Girl" Budol. Talagang nagkatugma raw kasi ang kakulitan ng dalawa.

Bukod sa pagiging host ng 'It's Showtime, abala rin si Ryan sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 1.39 million subscribers. Tutok din si Ryan sa kanyang food at salon business.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel