Ryan Bang sa kanyang mga empleyado: "Gusto ko magkaroon sila ng sariling bahay"

Ryan Bang sa kanyang mga empleyado: "Gusto ko magkaroon sila ng sariling bahay"

- Kahanga-hanga ang nais ni Ryan Bang para sa kanyang mga empleyado

- Aniya, hindi niya ito binigyan ng trabaho para habang buhay na manatili sa kanya kundi para lumago at maging matagumpay din ang mga ito

- Nais niyang magkaroon ang bawat empleyado niya ng kani-kanilang sariling tahanan

- Naranasan kasi niya umano ang hirap ng buhay at ang tumira sa maliit lamang na silid kaya naman ayaw niyang danasin pa ito ng ibang tao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakakabilib ang mga plano at nais mangyari ni Ryan Bang para sa kanyang mga empleyado.

Nalaman ng KAMI na tutok ngayon sa pagiging negosyante ni Ryan kung saan mayroon na siyang salon at Korean restaurant.

Dahil dito, bukod sa pagpapalago ng kanyang negosyo, kasama rin sa kanyang plano ang tagumpay ng kanyang mga empleyado.

Read also

Ryan Bang, hindi kailanman nangutang: "Kasi doon kami naghirap e"

Ryan Bang sa kanyang mga empleyado: "Gusto ko magkaroon sila ng sariling bahay"
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

Ani Ryan, hindi niya ito binigyan ng trabaho para manatili sa kanya habang buhay. Nais niyang ang mga ito ay maging matagumpay din at magkaroon ng sarili nilang negosyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Gusto ko mag-blower ka tapos mayroon ka sariling shop, meron kang sariling condo, meron ka ring tao under sa'yo"

Kwento pa ni Ryan, alam niya ang pakiramdam ng maghirap kaya naman ang mga tao niya ay nais niyang umasenso. Gusto niyang maging daan upang makamit ng kanyang mga staff ang dati lamang pinapangarap ng mga ito.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz kung saan niya ito naikwento:

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Read also

Ryan Bang, inaming sumama ang loob noon sa ina nang malamang dishwasher ito

Isa sa mga pinakakinagiliwan ng marami na vlog ni Ryan ay ang collab nila ni Herlene "Hipon Girl" Budol. Talagang nagkatugma raw kasi ang kakulitan ng dalawa.

Bukod sa pagiging host ng 'It's Showtime, abala rin si Ryan sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 1.39 million subscribers. Tutok din si Ryan sa kanyang food at salon business.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel