Ryan Bang, hindi kailanman nangutang: "Kasi doon kami naghirap e"

Ryan Bang, hindi kailanman nangutang: "Kasi doon kami naghirap e"

- Naikwento ni Ryan Bang na kailanma'y hindi siya nangutang sa sinoman, mapa-artista man ito o kakilala lamang

- Hindi raw ito sa pagmamalaki ngunit sa ayaw lamang niyang mangyari muli ang sinapit ng kanyang pamilya

- Talagang nagtitipid at nagtitiis si Ryan na ang prayoridad ay ang maayos na buhay para sa kanyang mga magulang kahit pa magkahiwalay na ang mga ito

- Aniya, hindi muna siya lalagay sa tahimik ng pagkakaroon ng sarili niyang pamilya hangga't hindi pa niya naibibigay ang lahat ng nais niyang ibigay sa kanyang Mommy at Daddy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatapang ang mga naging rebelasyon ni Ryan Bang tungkol sa mga pinagdaanan ng kanyang pamilya sa Korea sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga ito ay ang pagkakalubog umano ng kanyang ama sa utang na siyang dahilan kung bakit nagsisikap ang kanyang ina na magkaroon ng iba't ibang mga trabaho.

Read also

Christine Samson, napangiti na lang sa aniya'y mga kasinungalingan

Kahit maagang namulat sa ganoong sitwasyon, kailanma'y hindi nangutang kaninoman si Ryan.

Ryan Bang, hindi kailanman nangutang: "Kasi doon kami naghirap e"
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram
"Noong panahon ng BIR, malaking pera kailangang babayaran. Kahit kay mommy Vice kahit kay Angelica Panganiban, tumawag sa'kin 'yan Ate Anne..."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Never akong nangutang, kahit kanino... Kahit sinong kakilala ko. Kahit piso"

Ayon kay Ryan, ito ay dahil sa ayaw na niyang maranasan muli ang buhay nila noon sa umano'y naging lalong mahirap dahil sa pagkakautang daw ng kanyang ama.

"Kasi doon kami naghirap e" paliwanag ni Ryan. Ito rin ang dahilan kung bakit kinakailangan nilang manirahan noon sa maliit na kwarto ng isang piano room bilang bahagi ng kanilang labis na pagtitipid.

Paliwanag naman ni Ryan, sa kabila ng nagawa na ito ng kanyang ama, mahal pa ri niya ito subalit labis lamang siyang naaawa sa hirap at pagod ng kanyan ina.

Read also

Ryan Bang sa kanyang mga empleyado: "Gusto ko magkaroon sila ng sariling bahay"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Ryan Bang na mapapanood sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalaunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Isa sa mga pinakakinagiliwan ng marami na vlog ni Ryan ay ang collab nila ni Herlene "Hipon Girl" Budol. Talagang nagkatugma raw kasi ang kakulitan ng dalawa.

Bukod sa pagiging host ng 'It's Showtime, abala rin si Ryan sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 1.39 million subscribers. Tutok din si Ryan sa kanyang food at salon business.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel