Christine Samson, napangiti na lang sa aniya'y mga kasinungalingan

Christine Samson, napangiti na lang sa aniya'y mga kasinungalingan

- Sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, mas pinili ni Christine Samson na huwag nang pansinin ang mga isyu

- Sa kanyang social media posts ay pasimple nitong sinabi na walang katotohanan ang mga isyung ipinupukol sa kanya

- Kalakip ng kanyang selfie na kung saan makikitang nakangiti siya, sinabi niyang iyon ang kanyang reaksiyon sa nakikitang kasinungalingang lumabas

- Si Christine ay malapit na kaibigan nina WIl at Alodia at nauna na ring naintriga dahil sa pagiging malapit nito sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos nga kumpirmahin ni Aldia Gosiengfiao na hiwalay na sila ni Wil Dasovich, hindi nakontento ang mga netizens at marami sa mga ito ang nais malaman ang dahilan ng paghihiwalay kahit pa hiniling ni Alodia na sana ay bigyan sila ng privacy sa kanilang pinagdadaanan.

Read also

Zeinab, ikinuwento ang tungkol sa namayapang kapatid na inspirasyon niya sa "arat na!"

Christine Samson, napangiti na lang sa aniya'y mga kasinungalingan
Christine Samson (@christinesamsonn)
Source: Instagram

Kasunod nito ay ang pag-viral ng videos kung saan magkakasama sina Alodia, Wil at Christine Samson. Si Christine ang nadadawit sa isyu dahil sa sobrang pagiging malapit nito sa dalawa. Muling nag-viral ang kanilang mga videos sa TikTok.

Sa kanyang social media posts ay pasimple nitong sinabi na walang katotohanan ang mga isyung ipinupukol sa kanya. Kalakip ng kanyang selfie na kung saan makikitang nakangiti siya, sinabi niyang iyon ang kanyang reaksiyon sa nakikitang kasinungalingang lumabas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nauna na ring naintriga ang pagiging malapit ni Christine kay Wil kahit pa ang kanyang malapit na kaibigan ay si Alodia. Nauna na ring pinabulaanan ni Wil ang mga akusasyon noon at pinagtanggol niya si Chrisitne sa mga nang-iintriga noon sa kanya.

Samatala, wala pa ring pormal na pahayag si Wil kaugnay sa ibinunyag ni Alodia tungkol sa paghihiwalay nila. Pawang mga motivational messages ang kanyang mga naibabahagi kasunod ng pag-amin ni Alodia kamakailan.

Read also

Ryan Bang, hindi kailanman nangutang: "Kasi doon kami naghirap e"

Nakilala si Christine Samson sa isa sa pinakabagong segment ng noontime show na It's Showtime. Siya ay nakilala sa bansag na "Genie-Nga" sa Piling Lucky. Siya ay isang commercial model, host, at isang video game streamer.

Sa naunang ulat ng KAMI, agad na nag-trending si Christine a.k.a. Genie-Nga matapos siyang ipakilala sa It's Showtime.

Hindi niya rin pinalampas ang pang-iintriga sa kanya kaugnay sa umano'y pagpaparetoke niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel