Zeinab, ikinuwento ang tungkol sa namayapang kapatid na inspirasyon niya sa "arat na!"

Zeinab, ikinuwento ang tungkol sa namayapang kapatid na inspirasyon niya sa "arat na!"

- Kasama ni Zeinab Harake ang kanyang mama nang mapag-usapan nila ang tungkol sa namayapang kapatid

- Lingid sa kaalaman ng karamihan, mayroong ate si Zeinab na pumanaw na noong 2015

- Aminado ang kanyang ina na nalulungkot pa rin ito sa pagpanaw ng panganay nilang si "Tara"

- Naikwento rin ni Zeinab na ang kanyang ate Tara ang kanyang inspirasyon sa expression niya sa kanyang vlog na "Arat na"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pinakabagong vlog ni Zeinab Harake kung saan nakasama niya muli ang kanyang mama, isa sa mga naitanong at napag-usapan nila ay ang tungkol sa namayapang kapatid ni Zeinab, ang kanyang ate Tara.

Nalaman ng KAMI na taong 2015 nang mamayapa ang ate nina Zeinab dahil umano sa karamdaman.

Zeinab, ikinuwento ang tungkol sa namayapang kapatid na inspirasyon niya sa "arat na!"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Aminado ang ina ni Zeinab na nalulungkot pa rin ito sa pagpanaw ni "Tara" na sana'y kasama pa nila ngayon.

Read also

Christine Samson, napangiti na lang sa aniya'y mga kasinungalingan

Kwento naman ni Zeinab, ang kanyang Ate Tara ang kanyang inspirasyon at lucky charm sa expression niya sa kanyang mga vlogs na 'Arat na!'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Yung Tara yung 'arat na!' sa vlog ko, siya 'yung lucky charm ko, kasi si Ate Tara 'yung gustong maging successful"

Aniya, kung sana'y kasama pa nila ang kanyang ate Tara kahit pa ito ay may sakit, sisiguraduhin niyang ipagagamot niya ito kahit magkano pa ang ang abuting halaga.

Naibahagi nilang sa sobrang kapos, nilalakad lamang nila minsan ang pagpapa-ospital sa kanilang kapatid.

Narito ang nakakaantig pusong usapan nina Zeinab at kanang Mama na mula sa kanyang YouTube channel:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang pagtulong niya sa isang institusyon na nangangalaga sa mga batang may malubhang karamdaman. Napasaya niya ang mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang mga pangangailangan ng mga bata.

Bukod sa pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Matatandaang umabot sa Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel