Francine Diaz, inaming nais ma-experience ang magkaroon ng boyfriend

Francine Diaz, inaming nais ma-experience ang magkaroon ng boyfriend

- Sa panayam kay Francine Diaz ni Karen Davila, inamin ng aktres na nais niyang maranasan na magkaroon ng boyfriend

- Hindi kasi naniniwala si Karen na hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Francine "since birth"

- Marami nga raw nga talaga ang hindi naniniwalang walang nanliligaw sa kanya

- Kaya naman kahit na gustuhin niyang ma-experience na magkaroon ng boyfriend sa teenage years, wala naman daw nagpaparamdam sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inamin ni Francine Diaz na nais din naman niyang maranasang magkaroon ng boyfriend.

Nalaman ng KAMI na nasabi ito ng young star matapos na matanong siya ni Karen Davila kung nagkaroon na ba siya ng nobyo.

Francine Diaz, inaming nais ma-experience ang magkaroon ng boyfriend
Photo: Francine Diaz
Source: Facebook

"Wala NBSB po... No boyfriend since birth," ang diretsong nasabi ni Francine.

Paliwanag niya, wala naman daw umanong nanliligaw sa kanya kaya wala siyang rason para magkaroon ng kasintahan.

Read also

Karen Davila, nagulat nang sumagot si Francine Diaz na "NBSB" raw siya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Andaming hindi naniniwala 'pag sinasabi kong wala pang nanliligaw... Wala po talaga," dagdag pa ng 'Kadenang Ginto Star.'

Nilinaw naman ni Karen kung ano ang dahilan pa nito tulad ng career o pamilya muna kaya hindi umano naisipan pang mag-boyfriend ni Francine. Subalit inamin ng aktres na nais sana niya itong maranasan.

"Siyempre gusto ko rin pong ma-experience kasi po feeling ko iba rin yung love na maibibigay ko sa teenage years ko 'pagka adult na ako... E wala e, so career"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Francine na mapapanood sa Karen Davila YouTube channel:

Si Francine Carrel Saenz Diaz ay isa sa kilalang aktres at product endorser sa bansa. Nagsimula ang kanyang acting career sa mga TV series na The Blood Sisters, We Will Survive, Ikaw Lang ang Iibigin, at Be My Lady. Subalit mas nagningning ang kanyang career nang bigyang buhay niya ang karakter ni Cassandra Mondragon sa Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Read also

Yeng Constantino, nagpasalamat kay Ryan Bang sa pagpaparamdam sa kanya na special siya

Kamakailan ay naging usap-usapan ang larawan ni Francine at kanyang pamilya na kuha umano noong Bagong Taon. Kasama kasi nila rito ang kanyang ka-Gold Squad na si Seth Fedelin.

Dahil dito, mismong ang kilalang entertainment reporter sa bansa na si Ogie Diaz ay diretsahan niyang naitanong kung nanliligaw ba si Seth kay Francine.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel