Yeng Constantino, nagpasalamat kay Ryan Bang sa pagpaparamdam sa kanya na special siya

Yeng Constantino, nagpasalamat kay Ryan Bang sa pagpaparamdam sa kanya na special siya

- Hindi man sila nagkatuluyan, nagkaroon naman ng closure ang naudlot na panliligaw ni Ryan Bang noon kay Yeng Constantino

- Sa episode nitong Sabado ng It's Showtime, muling napag-usapan ang tungkol sa pang-go-ghost noon ni Ryan matapos siyang manligaw kay Yeng

- Sa pag-aakalang wala siyang pag-asa at hindi sila bagay, huminto sa panliligaw si Ryan nang walang pasabi na ipinagtaka ni Yeng noon kung bakit

- Nagpasalamat naman si Yeng kay Ryan dahil sa pagpaparamdam umano nito sa kanya na espesyal at mahalaga siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinutukan ng publiko ang naging rebelasyon nina Ryan Bang at Yeng Constantino kaugnay sa naudlot na panliligaw noon ni Ryan kay Yeng. Ayon naman kay Yeng, inakala niyang dahil hindi siya sumasama kapag niyaya siya ni Ryan ay naartehan na si Ryan sa kanya.

Read also

Karen Davila, nagulat nang sumagot si Francine Diaz na "NBSB" raw siya

Ryan Bang, humingi ng dipensa kay Yeng Constantino sa pag-"ghost" niya
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

Sa episode nitong Sabado ng It's Showtime, muling napag-usapan ang tungkol dito. Nagpasalamat naman si Yeng kay Ryan dahil sa pagpaparamdam umano nito sa kanya na espesyal at mahalaga siya.

"Ngayon gusto ko lang sabihin sayo Ryan na salamat kasi yung short period of time na pinaramdaman mo sakin na special ako at importante ako, sobrang nag-matter yun sakin. Alam mo ang swerte ng taong mamahalin mo kasi ako naexperience ko yung effort at pagtatyaga mo."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Matatandaang agad na nag-viral ang video kamakailan sa isang episode ng It's Showtime matapos muling mapag-usapan ang umano'y naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng Constantino. Nagulat na lang umano si Yeng na bigla na lang tumigil sa panliligaw si Ryan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng. Inakala niyang wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.

Kasunod naman ng viral na video na ito ay napatawag umano si Ryan kay Jason Francisco. Ito ay para ikwento ang sinabi ni Yeng tungkol sa kanilang nakaraan. Ayon kay Melai, si Jason umano ang kasama noon ni Ryan tuwing manliligaw siya kay Yeng.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel