Yassi Pressman, umabot sa puntong parang na-stroke siya nang mamatay ang ama

Yassi Pressman, umabot sa puntong parang na-stroke siya nang mamatay ang ama

- Inamin ni Yassi Pressman na matindi ang pinagdaanan niyang kalungkutan nang pumanaw ang kanyang ama

- Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naibahagi niyang natuklasan niyang hindi pala siya ganoon kalakas gaya ng inaakala niya

- Pakiramdam niya umano ay hindi niya na kilala ang sarili niya nang mawala ang daddy niya na aniya ay kanyang "rock" at bestfriend

- Umabot umano sa puntong pakiramdam niya ay nakakaranas na siya ng stroke dahil sa stress na kanyang nararanasan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Yassi Pressman, natuklasan niyang hindi pala siya ganoon kalakas gaya ng inaakala niya nang mawala ang kanyang pinakamamahal na ama. Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, sinabi niyang hindi niya na kilala ang sarili niya nang mawala ang daddy niya na aniya ay kanyang "rock" at bestfriend.

Read also

Andrew Schimmer sa lagay ng misis; "High fever and vomiting siya ngayon"

Yassi Pressman, halos nanigas umano ang kalahating mukha nang pumanaw ang ama
Yassi Pressman, halos nanigas umano ang kalahating mukha nang pumanaw ang ama (@yassipressman)
Source: Instagram

Taong 2020 nang pumanaw ang ama niya. Sa tindi ng pinagdaanan niyang kalungkutan, naapektuhan maging ang kanyang kalusugan.

Aniya, umabot sa puntong pakiramdam niya ay na-stroke na siya.

“And then pati ‘yung thighs ko and then parang papunta na siya sa chest and fingers. Hindi ko magalaw fingers ko. Halos manigas talaga like my half face"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinalaunan ay natutunan niya kung paano labanan ang paninigas ng ilang bahagi ng katawan niya.

Si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Read also

Kristel Fulgar at Big Boss, kinakiligan sa mala K-drama na na date sa Han River at movie date

Sa ibinahaging video ng content creator na si Rob Moya, makikita ang kanyang pakikipag-usap kay Yassi. Ito ay nang isa si Rob sa mga guest sa game show kung saan si Yassi ang host na napapanood sa TV5. Aminado si Rob na crush niya si Yassi at alam niya umanong imposibleng maging boyfriend siya nito pero tinanong niya ang aktres kung siya ba ang tipo ng lalaki na papayagan ni Yassi na manligaw sa kanya.

Samantala si Alex Gonzaga ang kauna-unahang guest ni Yassi sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Sa naturang video ay naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel