McCoy de Leon, pinabulaanan ang tungkol sa umano'y kumakalat na convo

McCoy de Leon, pinabulaanan ang tungkol sa umano'y kumakalat na convo

- Pinabulaanan ni McCoy de Leon na siya ang nasa kumakalat na screenshot ng conversation

- Sinabi niya rin na wala siyang intensiyon na manakit o manloko ng tao

- Ito ay sa gitna ng mainit na usap-usapan online kaugnay sa pagkakadawit ng isang babae sa umano'y paghihiwalay nila ni Elisse

- Lalong naging maigting ang usapin nang mag-post si McCoy ng mensahe para sa kanyang anak na si Felize

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinabulaanan ni McCoy de Leon na siya ang nasa kumakalat na convo sa social media. Sa kanyang Instagram stories, nilinaw niyang walang ibang tao na dahilan ng hiwalayan nila ni Elisse Joson.

McCoy de Leon, pinabulaanan ang tungkol sa umano'y kumakalat na convo
McCoy de Leon, pinabulaanan ang tungkol sa umano'y kumakalat na convo (@mccoydeleon)
Source: Instagram
"Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit."

Sinabi niya rin na wala siyang intensiyon na manakit o manloko ng tao.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

"Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Matatandaang pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize. Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang kapamilya at kaanak. Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor.

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyang anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon. Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko. Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel