Michelle Madrigal at asawa, inaming sumasailalim sila sa marriage counselling

Michelle Madrigal at asawa, inaming sumasailalim sila sa marriage counselling

- Inamin ng mag-asawang Michelle Madrigal at Troy Woolfolk na sumasailalim sila sa marriage counselling

- Sa isang mukbang video na kanilang ibinahagi, sinabi nila ang kahalagahan ng pagsasailalim sa counselling kahit pa walang masyadong pagtatalo

- Ayon pa sa kanila, makakatulong ang counselling upang mas makilala ang isa't-isa dahil sa magkaibang pamilyang kinalakihan

- Aminado din silang nasa proseso pa sila ng adjustment upang maging maayos at balanse ang kanilang pagsasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ng mag-asawang Michelle Madrigal at Troy Woolfolk na sumasailalim sila sa marriage counselling.

Naikuwento nila ang tungkol dito habang sinasagot nila ang ilang mga katanungan mula sa mga netizens sa isang mukbang video na kanilang ibinahagi sa YouTube.

Isa sa mga naitanong sa kanila ay kung ano ang kanilang masasabing pinakamatinding naging pagtatalo. Sa halip na ikwento ang tungkol sa kanilang pagtatalo, ibinahagi nila ang kanilang paraann kung paano nila naayos ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Marriage proposal sa SM MOA drive-in cinema, nagpakilig at nagpaluha sa netizens
Michelle Madrigal at asawa, inaming sumasailalim sila sa marriage counselling

Photo from Michelle Madrigal's Instagram account
Source: Instagram

“All couples fight. And I guess for us, let’s just say that Troy and I had to go through therapy and we still are trying to get back to our marriage counseling because we need help on top of us trying to figure out and getting to know each other on a deeper level. We need an extra help,” ani Michelle.

Ayon pa kay Troy, inirerekomenda niya ito sa mga mag-asawa kahit ano pa man ang pinagdadaanan nila.

“I recommend any and every couple to go through marriage counseling regardless if things are going great or not. The reason for that is you come from two different worlds, you come from two different definitions of how to live your life. Then, you basically need to throw away that definition and then redefine it in considering the definitions of another person,” ani Troy.

Aminado naman si Michelle na nasa proseso pa rin sila ng pagbalanse ng kanilang pagsasama.

Flight Attendant na nakilala sa kanyang tiktok videos, natanggal sa trabaho

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Biniyayaan si Michelle at kanyang asawa ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan ay ipinasilip ni Michelle ang kanilang bahay sa pamamagitan ng isang virtual home tour.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel