Michelle Madrigal, inaming sa dating app din nakilala ang bagong boyfriend

Michelle Madrigal, inaming sa dating app din nakilala ang bagong boyfriend

- Binahagi ni Michelle Madrigal sa kanyang YouTube channel ang isang video kung saan binahagi nila ng boyfriend ang kwento kung paano sila nagkakilala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya, nagkakilala sila sa dating app na Hinge, dahil hindi naman umano siya masyadong nakakalabas dahil sa pagiging single mom

- Napansin niya umano na nasa profile din ng boyfriend niyang si Kyle ang kanyang mga anak at aniya ay nagustuhan niya kung paano nito pahalagahan ang mga anak

- Matatandaang kinumpirma ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng asawang si Troy Woolfolk noong Abril

Inamin ni Michelle Madrigal na sa isang dating app niya din nakilala ang bagong karelasyon. Hindi naman umano siya nakakalabas palagi dahil sa pagiging single mom niya. Nagkataon din umano na nag-swipe sila parehas sa dating app na Hinge.

Read also

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

Michelle Madrigal, lumipat na sa kanyang bagong apartment
Photo from Michelle Madrigal (@mitch_madrigal)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon pa kay Michelle, parehas silang kasama ang anak nila sa kanilang profile.

"Nandon yung pictures ng kids niya. I also had my daughter sa profile ko. You could really tell kung ano 'yung character ng lalaki the way they are sa kids nila."

Inamin niya din na wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kanya.

"I don't want to put any label dahil hindi naman importante 'yun. We have an understanding. I think we're pretty much on the same page."

Nagustuhan umano niya ang pagiging caring at malambing ni Kyle sa mga anak niya. Para naman kay Kyle, nagustuhan niya ang pagiging nice, wholesome, at down to earth ni Michelle.

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Read also

Megan Young, napamura matapos pagtripan ng mister na si Mikael Daez

Biniyayaan si Michelle at kanyang asawang si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app. Matatandaang naibahagi niya ang kanyang saloobin kaugnay sa pagtatapos ng kanyang marriage na aniya'y nagbigay sa kanya ng kasiyahan noon.

Sa isang post ni Michelle, pinakita niya sa publiko ang bago niyang karelasyon. Marami ang bumati sa dating aktres at mayroon ding nagsabi na bagay silang dalawa. Kabilang nga sa nag-komento sa post niya ay ang dati niyang asawang si Troy Woolfolk kung saan sinabi nitong 'cute couple' umano sila. Matatandaang sa naunang vlog ni Michelle ay nasabi niyang maayos umano silang nag-co-coparenting ng kanyang dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel