Ex ni Michelle Madrigal, sinabing 'cute couple' umano si Michelle at bf nito

Ex ni Michelle Madrigal, sinabing 'cute couple' umano si Michelle at bf nito

- Sa bagong post ni Michelle Madrigal, pinakita niya sa publiko ang bago niyang karelasyon

- Marami ang bumati sa dating aktres at mayroon ding nagsabi na bagay silang dalawa

- Kabilang nga sa nag-komento sa post niya ay ang dati niyang asawang si Troy Woolfolk kung saan sinabi nitong 'cute couple' umano sila

- Matatandaang sa naunang vlog ni Michelle ay nasabi niyang maayos umano silang nag-co-coparenting ng kanyang dating asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang ang dating asawa ni Michelle Madrigal na si Troy Woolfolk sa nagkomento sa Instagram post ng dating aktres kung saan binida niya ang picture nila ng kanyang bagong karelasyon. Sinabi nito na 'cute couple' umano si Michelle at bf nito.

Ex ni Michelle Madrigal, sinabing 'cute couple' umano si Michelle at bf nito
Ex ni Michelle Madrigal, sinabing 'cute couple' umano si Michelle at bf nito @mitch_madrigal)
Source: Instagram

Nauna na ring naibahagi ni Michelle na maayos umano sila ng dating asawa pagdating sa co-parenting nila sa nag-iisang anak nilang babae. Base sa mga social media post ni Troy ay madalas na nahihiram at nakakasama naman nito ang kanilang anak.

Read also

Michelle Madrigal, healing at happy raw matapos kumpirmahing single na siya

Matatandaang apat na buwan na ang nakakalipas mula nang ibahagi ni Michelle sa publiko ang tungkol sa pagkaka-finalize ng kanilang divorce sa pamamagitan ng isang Instagram post. Kinalaunan ay lumipat na rin ng tirahan si Michelle kasama ang anak.

Ex ni Michelle Madrigal, sinabing 'cute couple' umano si Michelle at bf nito
Ex ni Michelle Madrigal, sinabing 'cute couple' umano si Michelle at bf nito (@mitch_madrigal)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Biniyayaan si Michelle at kanyang asawang si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app. Matatandaang naibahagi ng mag-asawa sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling.

Kamakailan ay binahagi ni Michelle na nakapag-move on na siya at mayroon na rin siyang nakaka-date. Aniya, kagaya niya ay divorced din ang lalaking kanyang nakakasama kaya parang mas nagkakaintindihan umano sila. Inamin niya din na wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kanya. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawa at paglipat niya ng tirahan kasama ang kanilang anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel