Andrew Schimmer, emosyonal sa unang New Year na wala na ang fiancee na si Jho Rovero

Andrew Schimmer, emosyonal sa unang New Year na wala na ang fiancee na si Jho Rovero

- Emosyonal si Andrew Schimmer na nagbahagi sa kanyang social media nang tungkol sa unang Bagong Taon na wala na si Jho Rovero

- Nailibing na si Jho noong Disyembre 30 ilang araw bago sumapit ang unang araw ng 2023

- Naikwento pa ni Andrew ang madalas nilang gawin ng partner matapos ang media noche

- Aminado si Andrew na hirap pa rin siyang tanggapin na hindi na nila kapiling si Jho ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumuhos ang emosyon ni Andrew Schimmer nang balikan nito ang madalas nilang gawin ng partner na si Jorhomy 'Jho' Rovero tuwing sasapit ang pagpapalit ng taon.

Andrew Schimmer, emosyonal sa unang New Year na wala na ang fiancee na si Jho Rovero
Si Andrew Schimmer kasama ang kanyang pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na labis na naghihinagpis si Andrew sa kanyang pag-iisa gayung palagi niya umanong kasama si Jho matapos ang media noche para lang magkwentuhan at i-enjoy ang kanilang personal time.

Read also

Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan

"Happy new year my love…every new year, after midnight,remember?Lagi lagi tayo nag wa-wine together…pag ang lahat ay tahimik at nag uuwian na, it’s our own personal time, we talk and laugh about everything," bungad ni Andrew na laging may kalakip na crying at sad emoji.

"Kahit madalas wala nang kwenta yung mga storya ko, pinipilit mo parin makinig. you were always there my dear, to offer your ears to me," dagdag pa ni Andrew.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit ngayong wala na si Jho, tila patuloy pa rin niyang ginawa ang personal time nilang dalawa subalit larawan na lamang ng kanyang nakakausap.

"Well, I’m still hre my love…the only difference this time is ako nalang mag-isa. Ang hirap pala mami magsalita ng wala kang kausap. Hindi sumasagot ung picture mo, ang daya daya niya"

Read also

Tuesday Vargas sa partner na may apat na rare diseases: "Hinding-hindi kita iiwan"

Isa rin sa mga napansin ng netizens, kuha umano ito sa kwartong inilaan ni Andrew para sa pagpapagaling sana ni Jho sa kanilang tahanan.

Subalit ilang araw lang mula nang maiuwi nila ito noong Oktubre, kinailangan muling ibalik ito sa ospital kung saan siya nalagak ng mahigit isang buwan hanggang sa tuluyan nang bawian ng buhay.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel