Paolo Contis: "Masakit po sa'min kapag tinatawag niyo kaming 'Fake Bulaga'"

Paolo Contis: "Masakit po sa'min kapag tinatawag niyo kaming 'Fake Bulaga'"

- Naglabas ng saloobin si Paolo Contis tungkol sa mga tumatawag ngayong na 'Fake Bulaga' sa Eat Bulaga

- Ito ay matapos na sila ang pumalit sa mga orihinal na host ng naturang programa na nasa ilalim pa rin ng TAPE Inc.

- Sa pagdiriwang ng programa ng kanilang ika- 44 na anibersaryo, nasabi ni Paolo na masakit na matawag umano sila na fake

- Kasama ni Paolo sina dating Manila City Mayor Isko Moreno, Buboy Villar at iba pang Sparkle talents ng GMA sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng saloobin si Paolo Contis na isa sa mga bagong host ng Eat Bulaga tungkol sa mga tumatawag umano sa kanila na 'Fake Bulaga'.

Paolo Contis: "Masakit po sa'min kapag tinatawag niyo kaming 'Fake Bulaga'"
Glaiza De Castro, Paolo Contis, Isko Moreno at Winwyn Marquez (Eat Bulaga/ Isko MOreno Domagoso)
Source: Facebook

Sabado, Hulyo 29 nang ipagdiwang ng programa ang kanilang ika-44 na anibersaryo sa telebisyon.

Read also

Elizabeth Oropesa, sinabing hindi na siya Marcos loyalist

Tila sinamantala na ni Paolo ang pagkakataon na masabi ang kanilang nararamdaman ngayong nababansagan silang 'Fake Bulaga.'

"Mahalaga rin po sa akin na sabihan ang ginagawa po namin ay totoo. Marami pong nagsasabi kami po ay fake. Maraming nagsasabi kami ay 'fake bulaga.' Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong 'to," pahayag ni Paolo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kaya masakit po sa'min kapag tinatawag niyo kaming 'Fake Bulaga' dahil wala pong fake sa ginagawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao. Wala po," paglilinaw niya.

Mapapanood ang kabuuan ng pahayag ni Paolo sa Eat Bulaga Na! na ibinahagi rin sa Facebook page ni Isko Moreno Domagoso:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Read also

Herlene Budol, emosyonal sa pag-anunsyo: "Sorry Pilipinas, this is my last pageant... Ba-bye!"

Tila natagalan bago pa magsalita si Paolo contis patungkol sa kabi-kabilang mga pamba-bash na kanyang natamo mula nang maging host siya ng Eat Bulaga. Maging ang personal na buhay kasi ni Paolo lalo na sa pagiging isang ama ang madalas na naipupukol sa kanya. Subalit ang isa sa labis na pumukaw ng atensyon niya ay ang mensahe mismo sa kanya ng isang basher na binato siya ng mga pagmumura at ang masaklap, hiniling pa nitong siya'y mamatay na.

Nauungkat pati umano ang mga dating kontrobersiyang kinaharap ni Paolo tulad umano ng hindi pagsususunto sa mga anak at ang naging hiwalayan nila noon ni LJ Reyes. Naiiuugnay pa rin ito ng publiko ngayong araw-araw na napanood si Paolo sa longest-running noontime show sa buong mundo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel