Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan"

Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan"

- Nagbahagi si Ion Perez ng isang makahulugang mensahe sa kanyang Instagram stories

- Wala itong binanggit na pangalan ngunit hinamon niya ang taong pinatutungkulan na maglabas ng patunay sa sinasabi nito

- Dagdag pa niya, may gusto sa kanya ang taong ito kaya daw siya ganun

- Kasalukuyang nasa bakasyon sina Ion at Vice Ganda sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Ion Perez ng isang makahulugang mensahe sa kanyang Instagram story. Wala itong binanggit na pangalan ngunit hinamon niya ang taong pinatutungkulan na maglabas ng resibo.

Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan"
Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan" (@pereziion27)
Source: Instagram

Aniya, may gusto sa kanya ang taong ito na hindi niya pinangalanan.

Gusto ako nyan kaya sya ganyan!!

Sa gitna ng isyu tungkol sa kanilang pagkain ng icing sa Isip Bata segment ng It's Showtime, pansamantalang nagbakasyon sila Vice at Ion.

Read also

Rendon Labador kay MTRCB chair Lala Sotto: "Mag-resign ka na kung hindi mo kaya"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinanindigan ni MTRCB Chair Lala Sotto na tama ang kanilang pagsita sa It's Showtime dahil batay umano sa kanilang imbestigasyon, malinaw na nagkaroon ng violation ang show dahil may mga batang naroon mismo sa studio.

Matatandaang pinatawag ng MTRCB ang producers ng It's Showtime kasunod ng kontrobersiyal na video nilang ito na umani ng mga reaksiyon at komento.

Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan"
Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan" (@pereziion27)
Source: Instagram

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.

Ipinakita ni Ion ang kanyang pamamahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac. Sa kanyang binahaging video ay umuwi siya sa kanilang lugar at namahagi ng bigas sa 50 na tao. Nagpakain din siya ng lugaw at sandwich bilang bahagi ng kanyang feeding program. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya.

Read also

Aiko Melendez, balik showbiz ngayong nakatapos na sa kolehiyo

Pinakita din ni Ion ang kanilang naging biyahe papuntang Amerika kamakailan. Ito ay para sa series of concert ni Vice Ganda sa Amerika na pinamagatang "Fully Vicenated." Makikita sa video ang kanilang naging paghahanda bago ang kanilang flights hanggang sa makarating sila sa Los Angeles. Matatandaang sa mga naunang mga concert ni Vice Ganda ay nakasama niya na rin si Ion.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel