Isko Moreno, kasama sa ikaanim na araw ng mga bagong host ng Eat Bulaga

Isko Moreno, kasama sa ikaanim na araw ng mga bagong host ng Eat Bulaga

- Nakasama na si Manila City Mayor Isko Moreno sa ikaanim na araw ng mga bagong hosts ng 'Eat Bulaga'

- Hunyo 10, nang mapanood siya sa naturang noontime show at nag-host ng portion nilang 'G sa Gedli'

- Nang tanungin kung mapapanood na siya simula Lunes, Hunyo 12 may mabilis na tugon si 'Yorme Isko'

- Mayo 31 nang lisanin ng TVJ ang TAPE Inc. at noong Hunyo 5 nang mapanood sa 'Eat Bulaga' ang mga bago nitong hosts tulad nina Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sumalang bilang host ng Eat Bulaga si dating Manila City Mayor Isko Moreno ngayong Hunyo 10.

Isko Moreno, sumalang na bilang bagong host ng Eat Bulaga
Isko Moreno (Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na si 'Yorme Isko' ang umano'y tinutukoy ng Chief Finance Officer ng TAPE Inc. na si Dapitan City mayor Bullet Jalosjos kamakailan sa kanyang post na magiging bagong host na sasali umano sa Eat Bulaga family.

Read also

Isko Moreno nang matanong kung mapapanood muli sa EB: "Kailangan pa ba i-memorize 'yan?"

Anim na araw mula nang mapanood sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, isa nga umano si Yorme Isko sa karagdagan na pumalit sa mga lumisang host ng Eat Bulaga noong May 31.

Sinayaw ni Yorme Isko ang kanyang signature dance na "Dying Inside To Hold You," patunay na hindi pa rin siya pahuhuli pagdating sa paghataw.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasama si Yorme sa pagbibigay biyaya sa mga masuswerteng 'Dabarkads' maging sa labas ng studio.

Samantala, bago matapos ang programa, natanong ni Paolo Contis kung muli ba nilang makakasama si Isko simula sa Lunes, Hunyo 12.

"Kailangan pa bang i-memorize 'yan?" ang naging tugon naman ni Yorme Isko.

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod. Matatandaang isa siya sa mga naging presidential candidate sa national elections noong 2022. Sa ngayon, pinasok na rin niya ang mundo ng pagiging isang content creator. Katunayan, itinayo niya ang sarili niyang media company, ang Scott Media na hango sa tunay niyang palayaw na Scott.

Read also

Cristy Fermin, 'di alam umano ang itatawag sa Eat Bulaga na wala ang TVJ: "Fake Bulaga ba?"

Tutok din siya ngayon sa kanyang programang 'Iskovery night' sa ilalim naman ng kanyang production na Scott media. Ilan sa mga naging panauhin na ni Isko sa kanyang programa ay sina Coco Martin, Vice Ganda at Angeline Quinto na pawang mga tubong Maynila tulad niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica