Isko Moreno, tinuldukan na umano ang pagpasok sa pulitika: "Retired na ako"
- Hindi na umano babalik sa pulitika ang dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno
- Isa kasi ito sa naitanong sa kanya ni Ogie Diaz nang mapag-usapan nila ang pagtakbo niya sa pagka-pangulo noong nakaraang taon
-Ayon kay Isko, masaya siya ngayon na mas maraming oras ang nailalaan niya sa kanyang pamilya
- Hindi rin niya umano nais na pasukin pa ninoman sa kanyang mag-anak ang pulitika na hindi halos nila napag-uusapan sa kanilang tahanan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa natanong ni Ogie Diaz sa panayam niya kay Isko Moreno ang tungkol sa pagbabalik nito sa pulitika.
Nalaman ng KAMI na naging mariin na ang pagtanggi ng dating alkalde ng Maynila sa inaasahan pa ng marami na pagsabak muli nito sa pamumuno sa bayan.
"No, Retired na ako Ogie," ang sagot ni Isko na ngayo'y nagpapasalamat sa mas maraming oras na nailalaan niya sa kanyang pamilya.
"Well as far as I'm concerned, I'm happy now. I'm enjoying life. Salamat sa Diyos binigyan ako ng second chance to be with my kids, with my family. More time with my family," aniya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Katunayan, kapag sila'y nasa kanilang tahanan, halos hindi nila mapag-usapan ang tungkol sa pulika. Lalo na at ayaw niyang pasukin din ito nang sinoman sa kanyang mag-anak.
"'Pag sa bahay, generally walang conversation about politics," aniya maliban na lamang nang magdesisyon siyang tumakbo bilang pangulo ng bansa noong 2022. Isa umano ito sa malaking gampanin na kanyang papasukin at kailangan niya ang suporta ng bawat mahal niya sa buhay.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod. Matatandaang isa siya sa mga naging presidential candidate sa national elections noong 2022. Sa ngayon, pinasok na rin niya ang mundo ng pagiging isang content creator.
Tutok na siya ngayon sa kanyang programang 'Iskovery night' sa ilalim naman ng kanyang production na Scott media. Ilan sa mga naging panauhin na ni Isko sa kanyang programa ay sina Coco Martin, Vice Ganda at Angeline Quinto na pawang mga tubong Maynila tulad ni Yorme Isko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh