Isko Moreno, 'di pa umano nakakausap ang 'balae' na si Diego Castro: "Wala pang opportunity"

Isko Moreno, 'di pa umano nakakausap ang 'balae' na si Diego Castro: "Wala pang opportunity"

- Isa sa mga naitanong ni Ogie Diaz sa panayam niya kay Isko Moreno ay ang tungkol kay Diego Castro

- Ani ni Isko, hindi pa niya ito nakakausap tungkol sa kani-kaniyang mga anak

- Ang kanyang naibigay na dahilan ay tumugma naman sa nasabing rason ni Diego nang makapanayam din nito ni Ogie Diaz

- Si Diego Castro ang ama ni Raffa na partner ng anak ni Isko na si Joaquin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na mabisita at makapanayam ang dating alkalde ng Manila na si Isko Moreno.

Isko Moreno, 'di pa umano nakakausap ang 'balae' na si Diego Castro; "Wala pang opportunity"
Isko Moreno (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa sa mga napag-usapan nila ay ang tungkol kay Diego Castro na umano'y 'balae' ni 'Yorme Isko.'

Si Diego ang ama ni Raffa na girlfriend naman ng anak ni Isko na si Joaquin.

Read also

Ogie Diaz: "Nakitawa ka pa, kaya wag mamalimos ng simpatya"

Matatandaang mayroon nang apo sina Diego at Isko kina Raffa at Joaquin kaya naman natanong ni Ogie kung nagkausap na ba ang mag-balae.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Wala pang opportunity. But anytime, anytime," ani Isko.

Tila tumugma naman ito sa nasabi rin ni Diego sa isang panayam sa kanya ni Ogie kung saan oras umano ang dahilan bakit hindi pa sila nakakapag-usap tungkol sa kanilang mga anak.

Abala umano noon si Yorme sa pangangampanya sa pagka-pangulo noong 2022 habang si Diego ay bagong news anchor sa isang TV station kaya masasabing busy sila sa panahong nagkaroon na ng supling ang kanilang mga anak.

Ayon pa kay Isko, nararapat lamang na sina Joaquin at Raffa ang siyang mag-set ng naturang pagkikita ng kanilang pamilya.

Gayunpaman, nilinaw ni Isko na walang issue sa magkabilang panig at hinahayaan nila ang kanilang mga anak na maging responsable na sarili nitong pamilya.

Read also

Pokwang, nagpost tungkol sa aniya'y magkaibang mukha ng narcissist

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Isko mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Inspires:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod. Sa ngayon, pinasok na rin niya ang mundo ng pagiging isang content creator.

Tutok na siya ngayon sa kanyang programang 'Iskovery night' sa ilalim naman ng kanyang production na Scott media. Ilan sa mga naging panauhin na ni Isko sa kanyang programa ay sina Coco Martin, Vice Ganda at Angeline Quinto na pawang mga tubong Maynila tulad ni Yorme Isko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel