Isko Moreno, naikwentong dating taga ABS-CBN ang ilang empleyado niya sa Scott Media

Isko Moreno, naikwentong dating taga ABS-CBN ang ilang empleyado niya sa Scott Media

- Naibahagi ni Isko Moreno na dating mga taga-ABS-CBN ang ilang empleyado niya sa Scott Media

- Masaya umanong siyang makapagbigay ng trabaho sa binuo niyang media company

- Sa kanilang mga studio isinasagawa ang 'Iskovery night' na mapapanood sa kanyang YouTube channel

- Ilan sa mga nauna na niyang mga naging panauhin sa nasabing programa ay sina Vice ganda, Coco Martin at Angeline Quinto na pawang mga taga Maynila tulad niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naikwento ni Isko Moreno ay ang pagbibigay niya ng trabaho sa ilang mga empleyado ng ABS-CBN.

Isko Moreno, naikwentong dating taga ABS-CBN ang ilang empleyado niya sa Scott Media
Isko Moreno (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na nabanggit niya ito sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz kung saan natanong siya nito tungkol sa bagong pinasok ni Yorme, ang pagtatayo ng Scott Media.

"Happy kami kasi we provide more jobs. Lalo na 'yung kasama naming ina-outsource namin dito. 'Yung iba diyan, most of them, nawalan ng trabaho sa ABS-CBN,... "Natutuwa naman kami to provide opportunity," ani Isko.

Read also

Isko Moreno, 'di pa umano nakakausap ang 'balae' na si Diego Castro: "Wala pang opportunity"

Matatandaang sa pag-shutdown ng ABS-CBN na hindi na umano pinayagang mabigyan muli ng prangkisa, marami sa kanilang mga empleyado ang nawalan ng hanapbuhay sa kasagsagan pa ng pandemya noong 2020.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nakita ko nga. May mga kakilala ako from ABS-CBN nandito sa'yo," ayon naman kay Ogie Diaz nang siya mismo ay makabisita sa bagong opisina ni Yorme Isko.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Isko Moreno na mapapanood sa Ogie Diaz Inspires channel:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod. Matatandaang isa siya sa mga naging presidential candidate sa nationa elections noong 2022. Sa ngayon, pinasok na rin niya ang mundo ng pagiging isang content creator. Katunayan, itinayo niya ang sarili niyang media company, ang Scott Media na hango sa tunay niyang palayaw na Scott.

Read also

Isko Moreno, tinuldukan na umano ang pagpasok sa pulitika: "Retired na ako"

Tutok na siya ngayon sa kanyang programang 'Iskovery night' sa ilalim naman ng kanyang production na Scott media. Ilan sa mga naging panauhin na ni Isko sa kanyang programa ay sina Coco Martin, Vice Ganda at Angeline Quinto na pawang mga tubong Maynila tulad ni Yorme Isko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel