Vhong Navarro, proud na proud sa kanyang panganay na nakatapos na sa kolehiyo

Vhong Navarro, proud na proud sa kanyang panganay na nakatapos na sa kolehiyo

- Buong pagmamalaking binati ni Vhong Navarro ang kanyang panganay na nakatapos sa kolehiyo

-Hindi maitago ng TV host ang kanyang kasiyahan bilang isang ama sa kanyang pagbati

- Ibinahagi din ni Vhong ang graduation pictures ng kanyang panganay sa kanyang Instagram account

- Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netizens at sa mga kaibigan niya sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng TV host/actor na si Vhong Navarro sa kanyang Instagram account na nakatapos na sa kolehiyo ang kanyang panganay na anak.

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Vhong ang mga graduation pictures ng kanyang 22-anyos na anak.

"Yahoo!!! Pinakamagandang regalo na natanggap ko!!! Maraming salamat sayo Kuya. Nakaka proud ka [folded hands emoji] Iloveyousomuch! [heart emojis] #ProudDad #ThankyouLord," ani Vhong na hindi maitago ang kanyang galak.

Nagtapos ng kanyang bachelor's degree sa Information Technology si Fredriek sa University of Sto. Tomas Institute of Information and Computing Sciences.

Bumuhos naman ang pagbati sa aktor mula sa mga netizens at maging sa kanyang mga kaibigan sa showbiz kabilang na ang mga kasamahan niya sa noontime show na It's Showtime.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Fredriek ay anak ni Vhong sa kanyang dating partner. Mayroon din siyang anak sa dating kasintahang si Bianca Lapus.

Vhong Navarro, proud na proud sa kanyang panganay na nakatapos na sa kolehiyo

Vhong Navarro (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan, naging usap-usapan ang reaksiyon ng TV host sa Eat Bulaga kaugnay sa mga pagbabago sa nasabing noontime show sa gitna ng pandemya.

Kagaya ng karamihan sa mga artista, hindi din nakaligtaan ni Vhong at asawa nitong si Tanya na tumulong sa mga frontliners.

POPULAR: Read more about Vhong Navarro here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel