RC Cola, gumawa muli ng ingay sa socmed dahil sa bago nilang advertisement

RC Cola, gumawa muli ng ingay sa socmed dahil sa bago nilang advertisement

- Lumbas na ang isa pa muling advertisement ng RC Cola ngayong araw, Disyembre 14

- Mabilis na nag-viral ang commercial na hindi nalalayo sa nauna nilang kontrobersyal na ad tungkol sa isang anak na nagtatanong sa kanyang mga magulang kung siya ba ay isang ampon

- Ngayon naman, tungkol ito sa pag-amin ng isang kabanda sa kanyang mga kasama na siya ay kakaiba

- Naaliw ang mga netizens sa bagong advertisement na ito at muli raw silang pinahanga ng RC Cola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang gumawa ng ingay ang RC Cola Philippines sa panibagong advertisement na kanilang ipinalabas sa kanilang Facebook page.

Nalaman ng KAMI na hindi nalalayo ang konsepto nito sa naunang kontrobersyal na ad na kanilang ibinahagi noong Nobyembre 26.

Umani talaga ito ng iba't ibang reaksyon lalo na at kakaiba ang konsepto nito.

Read also

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Bagong advertisement ng RC Cola, gumawa muli ng ingay sa socmed
Royal Crown Cola Philippines (Photo from Getty Images)
Source: UGC

Maaalalang ito ay tungkol sa isang anak na tinanong ang kanyang ina kung siya ba ay tunay na anak nito. Ma-drama ang senaryo hanggang sa ipinakita na ng anak ang apat na baso sa kanyang likuran. At mas lalong ikinagulat ng mga netizens ang sumunod nangyari.

Sa bagong ad ng RC na inilabas ngayong Disyembre 14, isang miyembro naman ng banda ang nagtapat sa kanyang mga kasama.

Inakala niyang hindi siya maiintindihan ng mga kasama sa banda nang ipakita niya ang kanyang kamay na mayroong bote ng RC cola sa loob.

Ngunit mas lalong nagulat ang babaeng nagtapat nang malaman niyang kaya pala nakasuot ng shades ang kanyang mga kasama ay dahil sa may yelong lumalabas sa mga mata nito.

Muli na namang inulan ng iba't ibang reaksyon at komento ang commercial na mabilis ding nag-viral.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

OFW sa Japan, dinaan sa tula ang pagka-miss sa pamilya ngayong Kapaskuhan

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Naaaliw ako RC ah, more ads pa po please!"
"Kahit hindi niyo na i-explain RC, natuwa naman po ako at alam ko marami rin ang naloka sa bagong ad niyo"
"Pinatawa mo na naman ako RC, parang gusto ko tuloy ng RC na maraming ice"
"Creative talaga ang kanilang creative team, salute po sa inyo!"

Ayon sa associate creative director ng Gigil na si Dionie Tañada, ginawa nila ang TV commercial na ito isang araw matapos nilang gawin ang "Family"

Aminado silang nakatatanggap din ng ilang pambabatikos dahil sa kakaibang mga ads na kanilang nalilikha. At nang matanong sila kung bakit ganoon ang kanilang mga proyekto, diretsahan nila itong sinagot at sinabing "basta."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang RC Cola o Royal Crown ay isang food and beverage company. Bukod sa RC Cola, sila rin ang kompanya na gumagawa ng Juicy Lemon, Arcy's Root Beer at Fruit soda na mabenta at kilala rin sa bansa.

Read also

20-anyos na itinanggi ng ama, lumabas na tunay nga siyang anak nito base sa DNA test

Nitong nakaraang buwan, una nang gumawa ng ingay ang kanilang ad na may pamagat na "Family."

Tulad ng advertisement ng RC, nag-viral din kamakailan ang Christmas Ad ng Disney na nagtampok sa Paskong Pinoy na labis na ikinatuwa ng mga Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel