OFW sa Japan, dinaan sa tula ang pagka-miss sa pamilya ngayong Kapaskuhan
- Ibinahagi ng isang kababayan natin sa Japan ang ginawa niyang tula para sa ating mga kababayan niya sa Pilipinas
- Ikalawang taon naman daw niya kasi itong hindi makakapiling ang pamilya sa pagdiriwang ng Kapaskuhan
- Dagdag pa ang pandemya, bagyo at iba pang kalamidad na hinarap ng ating bansa ngayon kaya naman mas lalo siyang nakaramdam ng pangungulila sa kanyang mga mahal sa buhay na hindi niya makakapiling muli ngayong taon
- Bukod sa paggawa ng tula, isa rin siyang vlogger dahil ito rin ang paraan niya upang maibsan ang kalungkutan na madalas niyang maramdaman
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng overseas Filipino worker na si JM ang kanyang nagawang tula para sa ating mga Pinoy ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.
Nalaman ng KAMI na tulad ng maraming mga OFW, nakakaramdam din ng labis na kalungkutan si JM ngayong ikalawang taon na niyang hindi kapiling ang pamilya ngayong darating na pasko.
Kaya naman naisip niyang isulat ang kanyang nararamdaman lalo na at dumaranas pa rin ng pandemya at dumaan din sa ilang kalamidad ang bansa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Bukod sa paggawa ng tula, isa rin daw vlogger si JM at kilala siya sa YouTube bilang si Kaprobinsyanong Pinoy sa Japan.
Ito rin ang nagsisilbing libangan niya lalo na kung siya ay nakakaramdam ng pagka-homesick sa Pinas.
"Malapit na naman ang Pasko. Bilang isang OFW sa Japan na hindi sini-celebrate ang kapaskuhan ay hindi ko maiwasang malungkot.
Ito na ang pangalawang taon na hindi ko kasama sa Pasko ang aking pamilya.
Pero nakakalungkot din isipin na ngayong Pasko ay apektado din ang celebration ng mga Pilipino maging sa Pilipinas dahil sa pandemya.
Dumadagdag pa ang kalamidad pagbaha at mga bagyo na may mga taong nawalan ng buhay at nawalan ng mga Mahal sa buhay.
Kaya naman nabuo ang aking tula dahil pangyayaring ito. Sana po ay magustuhan ninyo ang aking tula na pinamagatang Paskong may pandemya," ang pahayag ni JM.
Narito ang kabuuan ng video ng tula ni JM na kanya mismong ibinahagi sa KAMI:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marami sa ating mga kababayang OFW ang hindi na naman makakauwi sa Pilipinas ngayong kapaskuhan. Kasama kasi ito sa sakripisyong kanilang kinahaharap sa pagtupad nila ng kanilang piniling trabaho sa ibang bansa.
Subalit ilan naman sa ating mga kababayan ay maagang nakapagpundar kaya naman hindi na nila kailangan pang mangibang-bansa muli.
Mayroon din namang pinili pa ring bumalik bilang OFW ngunit palalaguin na lamang ang negosyo para masiguro na may maayos nang pagkakakitaan sa Pilipinas.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh