OFW, alahas ang naisip na ipundar para magamit daw niya sa oras ng kagipitan

OFW, alahas ang naisip na ipundar para magamit daw niya sa oras ng kagipitan

- Alahas ang naisipang ipundar ng overseas Filipino worker na ito na ngayo'y naninilbihan sa Pakistan

- Nito lamang Nobyembre nang magsimula siya sa pagbili ng mga alahas na yari sa tunay na ginto upang makita naman daw niya ang kanyang pinaghihirapang pera

- Mula 2005 kung saan nagsimula siyang mag-abroad, halos lahat ng kanyang kita ay napupunta lamang sa pamilya niya sa Pilipinas

- Subalit ngayon, lalo na at mayroon na siyang pitong taong gulang na anak, naisipan niyang mamili ng mga alahas na maari pa raw niyang magamit sa oras ng kagipitan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi bahay o lupa ang naispang ipundar ng kababayan nating overseas Filipino worker na si Inday Ylusan kundi mga alahas.

Naibahagi niya sa KAMI na sa ilang taon niyang pangingibang bansa ay halos wala pa siyang naipundar dahil na rin sa pagtulong niya sa pamilya niya sa Pilipinas.

American, ipina-Tulfo ang ex-GF para mabawi ang ₱1.5 million na naibigay daw niya rito

Subalit nitong Nobyembre, kahit wala raw siyang hilig sa mga alahas, naisipan niyang paunti-unting bumili nito upang makita naman daw niya na may pinatutunguhan ang kanyang pinaghirapang pera.

OFW, alahas ang naisip na ipundar para magamit sa oras ng kagipitan

Ang pamilya ni Inday Ysulan sa Pilipinas Photo from the sender (Inday Ysulan)
Source: UGC

"Bili uli kada sweldo. Para maubos man pera, may alahas pa na maisasanla sa Pinas pag nagipit. Kada sweldo bibili ako dalawa na. 21 karat khit maliit lang basta meron akong nakita sa pinaghirapan ko," pahayag ni Inday.

Single mother daw siya at sa edad na 46, pitong taong gulang pa lamang ang kanyang anak na naiwan sa Pilipinas.

2005 pa nang siya ay mag-abroad at aminado siyang wala halos siyang naisubi o naipon dahil na rin sa pagtulong niya sa pamilya niya sa Pilipinas.

Noong wala pa siyang anak, mga pamangkin ang kanyang pinapaaral at para sa kanya, ang tagumpay ng mga ito ay tagumpay na rin niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

OFW na may mababait na amo, naipagpatayo ng bahay ang mga magulang

Subalit nang magkaroon ng sariling anak, naisip niyang magpundar na upang may patunguhang maganda ang perang kinikita.

Masuwerte raw si Inday na sa loob ng apat na taon niya sa kasalukuyang employer ay nanatiling mabait ang mga ito sa kanya.

Mahirap man lalo na pag sinusmpong ng pagka-homesick sa kanyang pamilya, nilalabanan na lamang niya ang pakiramdam na ito at itinutuon ang kanyang pag-iisip sa trabaho na kanya namang nai-enjoy.

"Huwag basta sumoko, tibayan ang loob, tapusin ang kontrata at isipin ang pamilya. I-enjoy ang buhay OFW. Manalig sa taas lagi manalangin dahil yan lang sandata natin si God lang makakatulong sa atin kapag nag-iisa tyo," ang payo ni Inday sa mga kababayan nating tulad niya ay naninilbihan sa ibang bansa.

OFW, alahas ang naisip na ipundar para magamit sa oras ng kagipitan

Isa sa mga alahas na naipundar ni Inday Ysulan Photo from the sender (Inday Ysulan)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Inday, ilan sa ating mga kababayang OFW ang may kanya-kanya nang naipundar bilang katas ng kanilang pinaghihirapan abroad.

Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

Isa na rito ang Pinay na nagkaroon na ng sarili niyang travel and tours business na kanyang palalaguin upang hindi na muli siyang mawalay pa sa kanyang pamilya.

Gayundin ang isang single mom na OFW na nagpatayo ng "smart house" kung saan nasa isang gusali na ang kanyang tahanan at mga negosyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel