Ang lungkot! Mag-amang doktor, magkasunod na pumanaw dahil sa COVID-19

Ang lungkot! Mag-amang doktor, magkasunod na pumanaw dahil sa COVID-19

- Magkasunod na pumanaw ang isang mag-amang doktor matapos dapuan ng COVID-19

- Ang ama na si Jorge ay pumanaw noong June, ilang araw matapos ang Father's Day

- Habang ang anak nito na si Carlos ay binawian ng buhay nito lamang August

- Hinala ng pamilya ng dalawa, posibleng nakuha ni Carlos ang virus mula sa isa sa mga pasyenteng inaalagaan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magkahalong lungkot at pangungulila ang nararamdaman ng isang pamilya ngayon sa Florida, United States dahil sa pagpanaw ng dalawang miyembro nito.

Pumanaw dahil sa novel coronavirus ang mag-amang Jorge at Carlos Francisco Vallejo na parehong doktor, batay sa report ng Inquirer.

Ang lungkot! Mag-amang doktor, magkasunod na pumanaw dahil sa COVID-19

Photo from Google Images
Source: UGC

Magkasunod na binawian ang buhay ang mag-ama. Isinugod noong June sa pagdiriwang ng Father's day si Jorge at makalipas lang ang anim na araw nang bumigay ang 89-anyos na retiradong obstetrician at gynecologist.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Habang ang anak nitong si Carlos na isang board director sa Palmetto General Hospital na gumagamot ng mga pasyenteng may COVID-19 ay binawian ng buhay nito lamang August.

Ayon sa asawa ni Carlos, pinamumunuan nito ang ilang medical teams sa ilang nursing homes sa South Florida.

Bago ito dapuan ng virus ay nangangalaga pa ito ng 76 COVID-19 patients.

Nanirahan din ito malapit sa bahay ng amang si Jorge upang matignan ang lagay nito.

Napag-alaman din ng KAMI na maging ang misis ni Carlos ay dinapuan din ng COVID-19.

Hinala ng pamilya, nakuha ni Carlos ang virus sa isa sa mga pasyenteng pinapagaling nito.

Sabi naman ng mga anak nito, siniguro ni Carlos na sinusunod nito ang mga precautionary measures para makaiwas sa deadly disease.

Nais nitong patuloy na maalagaan ang mga pasyente nito na hindi isinaalang-alang ang kalusugan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakalipas na ilang buwan, ilang frontliner na rin ang nagbuwis ng kanilang buhay sa gitna ng paglaban ng buong bansa sa nakamamatay na novel coronavirus.

Ang ilan sa kanila, hindi na rin kinaya ang matinding hamon dahil sa sakit na ito tulad na lang ng isang doktor sa New York na bumigay matapos masaksihan ang bangis ng virus!

Sa ating bansa, malaki na rin ang bilang ng mga frontliners na nasawi dahil dito, tulad ng lang ng isang doktor na nais pa sanang manggamot at tumulong magpagaling sa mga pasyente.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel