Heaven Peralejo, kinailangan isugod sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19

Heaven Peralejo, kinailangan isugod sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19

- Ibinahagi ni Heaven Peralejo na positibo ang kinalabasan ng kanyang COVID-19 test

- Kaya naman, napagpasyahan nilang mag-isolate na lamang siya pansamantala habang binabantayan ang kanyang kalagayan

- Habang nasa isang silid sa kanilang bahay, ibinahagi ng aktres ang kanyang mga sintomas na naranasan

- Dahil tuloy-tuloy ang pagbaba ng kanyang oxygen levels at pagsakit ng kanyang dibdib, kinailangan siyang dalhin sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mapag-alamang nag-positibo siya sa COVID-19, napagpasyahan ni Heaven Peralejo na mag-isolate na lang muna sa kanilang bahay.

Habang nasa isang silid siya ng kanilang bahay, ibinahagi ni Heaven kung paano niya hinarap ang kanyang laban sa coronavirus.

Heaven Peralejo, kinailangan isugod sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Heaven, wala siyang ubo o lagnat. Nahirapan siyang huminga at nakaramdam umano siya ng pananakit ng katawan at ng kanyang dibdib.

Read also

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

Kahit nasa kanilang bahay ay kinakamusta naman umano siya ng mga kaibigan at maging ng doktor kaya nababantayan ang kanyang kalagayan.

Isang oxygen tank din ang pinagamit sa kanya para matulungan siya kaugnay sa bumababang oxygen levels niya.

Naibahagi din ng aktres na kahit hindi niya ipinakita, apektado siya ng mga bashing na naranasan kamakailan.

Matatandaang nadawit ang pangalan niya sa hiwalayang Devon Seron at Kiko Estrada. Gayunpaman, mariin niyang tinanggi ang lumabas na mga espikulasyon.

Sa susunod na bahagi ng kanyang COVID-19 journey vlog, isinugod na siya sa ospital.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Read also

Pauleen Luna, hindi pinalampas ang komento na umano'y nakunan siya

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Maging si Jinkee Pacquiao ay nagpadala umano ng mensahe kay Lolit Solis at humiling na burahin na lamang ng showbiz reporter ang kanyang post.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel