Mariel Padilla, nawindang matapos siyang pansamantalang "iwan" ng mga yaya

Mariel Padilla, nawindang matapos siyang pansamantalang "iwan" ng mga yaya

- Ipinakita ni Mariel Padilla kung paano niya kinaya ang mga gawain niya sa bahay nang wala ang kanyang mga yaya

- Kinailangan nilang umalis pansamantala dahil sila ay nagpabakuna kontra COVID-19

- Bukod sa pag-aalaga sa mga anak, inasikaso din ni Mariel ang kanyang negosyo

- Hindi naman siya matulungan ng asawang si Robin Padilla dahil naka-quarantine umano ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminado si Mariel Padilla na bilib na bilib siya sa mga nanay na kinakaya ang mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga anak. Nasanay umano siyang palaging may tumutulong sa kanya kaya hindi niya mapigilang makaramdam ng takot na baka hindi niya kayanin.

Mariel Padilla, nawindang matapos siyang pansamantalang "iwan" ng mga yaya
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang vlog na ibinahagi, kinailangan niyang gawin ang kanyang gawain nang mag-isa dahil kinailangang umalis ng kanyang mga yaya para magpabakuna.

Read also

Rosemarie Vega, nagbalik-tanaw sa kanyang ibinahaging closet Tour

Sa video na kanyang ibinahagi, agad niyang pinakain ang mga anak pagkagising ng mga ito. Bukod sa mga anak, kinailangan din niyang maghatid ng order sa kanyang negosyo kaya iniwan niya pansamantala ang mga anak.

Si Robin Padilla naman ay nasa isang bahagi ng bahay at hindi pwedeng lumabas dahil siya ay naka-quarantine matapos ang pag-alis nito sa bahay nila para sa ginawang docu-series.

Hindi naman ikinaila ni Mariel na nahirapan siya. Pinakita niya ang mga ligpitin dahil hindi niya na naayos ang mga pinaglaruan ng mga anak.

Nang dumating na ang kanyang mga kasambahay, hindi maitago ni Mariel ang tuwa at sa wakas ay makakapagpahinga na siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Wowie De Guzman, ibinahaging wala muna sa isip ang pakikipagrelasyon

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel