Rosemarie Vega, nagbalik-tanaw sa kanyang ibinahaging closet Tour

Rosemarie Vega, nagbalik-tanaw sa kanyang ibinahaging closet Tour

- Ibinahagi ni Rosemarie Vega ang isang closet tour dahil na rin sa request ng kanyang mga subscribers

- Nilinaw niyang kaunti lamang ang kanyang mga damit na nakalagay sa kanyang dalawang cabinet

- Kinaaliwan ang kanyang pagbalik-tanaw sa ilang tagpo sa programang "90 Day Fiancé" kung saan naisuot niya ang ilan sa mga damit na kanyang pinakita

- Sa naturang video, pinasalamatan ni Rose ang kanyang mga subscribers at mga viewers dahil sila umano ang dahilan kung paano siya nakakabili ng mga bagay na kanyang gusto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang closet tour ang ibinahagi ng dating 90 Days Fiancé star na si Rosemarie Vega sa kanyang YouTube channel. Nilinaw niyang kakaunti lamang ang kanyang mga damit na nakalagay sa dalawang cabinet na nasa silid niya.

Rosemarie Vega, nagbalik-tanaw sa kanyang ibinahaging closet Tour
Rosemarie Vega (@rose_vega_official)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lyca Gairanod, kinagiliwan sa kanyang panibagong video kasama ang kanyang lola

Habang inisa-isang pinakita ang kanyang mga damit, napa-balik-tanaw si Rosemarie sa mga pagkakataon at eksena sa naturang programa kung saan niya naisuot ang mga damit na kanyang pinakita.

Ibinahagi niya ang ilan sa mga sumikat na linyang kanyang nabanggit sa naturang reality show kung saan lumabas siya kasama ang ex-boyfriend na si Ed Brown

Sa huling bahagi ng video ay pinasalamatan ni Rosemarie ang mga sumuporta sa kanyang YouTube channel na aniya'y naging daan para mabili niya ang mga bagay na gusto niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rosemarie Vega ay 23-anyos at mayroon nang anak na 4 na taong gulang. Sumikat siya sa palabas ng 90 Day Fiancé kung saan nakasama niya ang kanyang ex-boyfriend na si Ed . Kinalaunan ay naglunsad ng sarili niyang YouTube channel si Rose na may pamagat na “Get to know Rosemarie Vega of 90 Days Fiance."

Read also

Maricel Soriano, na-ospital noon dahil walang germs sa katawan ayon sa kapatid

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang nag-trending sa social media sina Rose at Ed. Hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos malaman ni Rose na ayaw umano ni Ed na magkaanak pa sila.

Samantala, sa isang panayam, emosyonal na inilabas ni Rose ang kanyang sama ng loob sa dating karelasyon na si Ed.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel