Rose Vega, napa-iyak sa isang panayam kung saan muli silang nagkausap ni Ed

Rose Vega, napa-iyak sa isang panayam kung saan muli silang nagkausap ni Ed

- Muling nagkausap ang 90 Days Fiance ex-couple na sina Rosemarie Vega at Ed Ed Brown sa isang segment ng 90 Days Fiance

- Emosyonal na inilabas ni Rose ang kanyang sama ng loob sa dating karelasyon na si Ed

- Humiling pa ng translator si Rose upang mailabas niya nang maayos ang kanyang saloobin

- Matatandaang isa sa pinaka-pinag-usapang pares sina Rose at Ed sa nasabing programa ng TLC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa muling pag-uusap ng dating magkarelasyon na sina Rosemarie Vega at Ed Ed Brown sa isang segment ng 90 Days Fiance, hindi napigilan ng Pinay na maging emosyonal nang ilabas ang kanyang saloobin.

Ayon kay Ed, muling nakipag-usnayan sa kanya si Rose nang magkahiwalay sila upang makipagbalikan. Gayunpaman, ayon kay Rose, kasinungalingan ang lahat ng sinabi ni Ed.

Inamin niya din na nagkaroon siya ng relasyon sa kapwa babae nang maghiwalay sila ni Ed dahil gusto niya umano makapag-move on.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod nito ay tinanong siya ng anak ni Ed na si Tiffany kung totoong minahal niya si Ed dahil totoo umano ang pagmamahal ng ama para kay Rose.

Sagot ni Rose, totoong minahal niya si Ed sa kabila ng pamamahiya umano nito sa kanya.

Matatandaang nag trending sa social media sina Rose at Ed. Hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos malaman ni Rose na ayaw umano ni Ed na magkaanak pa sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nauna na umano niyang sinabi na gusto niyang magkaanak na muli.

Si Rosemarie na 23-anyos ay mayroon nang anak na 4 na taong gulang. Kamakailan ay naglunsad ng sarili niyang YouTube channel si Rose na may pamagat na “Get to know Rosemarie Vega of 90 Days Fiance.”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel