Netizens, sabay-sabay napa-sana all sa nakakabilib na ayuda sa Gapan
- Bumilib ang maraming netizens sa napakaraming ayuda na natanggap ng ilang grupo ng frontliners sa Gapan, Nueva Ecija
- Talagang mapapa-sana all ka nalang sa rami ng ipinaabot ng LGU sa magigiting na miyembro ng Quick Response team ng siyudad
- Kabilang sa mga ibinigay sa kanila ay imported na de lata, mga prutas, at vitamins
- Kamakailan, ay nag-viral din ang ayuda sa Gapan para sa mga tinamaan ng COVID-19
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agaw pansin muli sa social media ang ayudang natanggap ng ilang grupo ng frontliners sa Gapan sa Nueva Ecija.
Talagang napabilib ang marami sa mga ipinamahagi ng Local Government Unit (LGU) ng Gapan sa pamumuno ni Mayor Emeng Pascual.
Kasabay ng Araw ng Kagitingan ay nagpamahagi ang LGU ng Gapan ng mga prutas, imported canned goods at vitamins para sa mga miyembro ng kanilang Quick Response team na siyang rumiresponde sa mga mamamayang tinamaan ng COVID-19.
Sa isang Facebook post, binigyang pugay ni Mayor Emeng ang lahat ng bayani ng ating bayan kasabay ng pagpupugay sa mga bagong bayani.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Ngayon ay araw ng kagitingan huwag natin kalimutan ang mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa ating bansa.
"Mas lalong wag natin kakalimutan ang mga bagong bayani na mga FRONTLINERS na bagong giyera na kinakaharap natin. Araw araw nasa panganib ang kanilang buhay para makapaglingkod sa taong bayan.
"Suportahan at pasalamatan po natin ang mga frontliners sa Gapan at buong Pilipinas."
Napag-alaman ng KAMI, na bukod sa mga ayuda ay umupa rin ang LGU ng isang private resort para sa mga frontliners upang maiwasan na mahawaan ng virus ang pamilya ng mga ito.
Kamakailan lang ay nag-viral din ang ayudang ipinamahagi ng LGU ng Gapan para sa mga residente nilang tinamaan ng COVID-19.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa isa pang report ng KAMI, naglaan ng P22.9 billion ang National Government para sa mga Pinoy na apektado ng ECQ sa NCR Plus bubble dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nagbabala naman ang DILG sa mga politikong "eepal" at gagamitin sa politika ang ayuda mula sa National Government.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh