DILG, nagbabala sa mga politikong 'eepal' sa pamimigay ng ayuda sa mga Pinoy

DILG, nagbabala sa mga politikong 'eepal' sa pamimigay ng ayuda sa mga Pinoy

- Nagbabala ang DILG sa mga politikong maglalagay ng pangalan o larawan sa pamamahagi ng ayuda

- Ayon sa ahensiya, ang mga mapapatunayang lumabag dito ay sasampahan ng kasong administratibo sa ilalim ng COA Circular 2013-004

- Kamakailan lang nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong SAP para sa mga Pinoy sa NCR Plus bubble

- Nito lamang Sabado, nang ianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ang one-week extension ng ECQ sa mga lugar na apektado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga politikong maglalagay ng pangalan o larawan sa pamamahagi ng ayuda sa mamamayan.

Hindi raw ito pahihintulutan ng ahensiya na magamit para sa pamumolitika ayon kay DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya.

"The use of the ayuda for partisan political purposes for the 2022 national elections is strictly prohibited. The DILG will not tolerate the politicization of government aid or tolerate the practice when we see it or made aware of it," ani Malaya sa isang statement, base sa report ng GMA News.

Read also

Manny Pacquiao sa mga suspek ng Asian attacks sa Amerika: "Ako labanan mo, duwag!"

DILG, nagbabala sa mga politikong 'eepal' sa pamimigay ng ayuda sa mga Pinoy
Relief operations
Source: Getty Images

Ayon sa ahensiya, ang mga mapapatunayang lumabag dito ay sasampahan ng kasong administratibo sa ilalim ng COA Circular 2013-004.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base sa Section 82 of the General Appropriations Act, ipinagbabawal ang paglalagay ng pangalan, appearance, logo, at signature ng isang public official, elected man o appointed, sa lahat ng proyekto ng gobyerno, ayon na rin sa ulat ng CNN Philippines.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isang pang report ng KAMI, agad na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong social amelioration program para sa mga Pinoy na nasa NCR Plus bubble na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Read also

19-anyos na Fil-Am sa California, nabulag ang 1 mata matapos pagbabarilin

Ang Department of Budget and Management ay maglalabas ng P22.9 billion para sa mga local government units na nasa NCR Plus bubble.

Ayon kay Budget Secretary Wendell Avisado, aabot sa 22.9 million low-income individuals ang makakatanggap ng P1,000 in kind sa ilalim ng programa.

Kahapon, April 3, inanunsiyo ni Palace Spokesman Harry Roque ang one-week extension ng ECQ dito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone