Miss Universe memes, agad na naglabasan at kinagiliwan ng mga netizens

Miss Universe memes, agad na naglabasan at kinagiliwan ng mga netizens

- Mabilis na naglabasan ang mg Miss Universe memes pagkatapos na pagkatapos pa lamang ng kompetisyon

- Una na rito ang mga naglabasang komento para sa host ng naturang pageant na si Olivia Culpo na tila kinulang umano ng energy para sa pageant

- Sumunod na rito ang mga kaganapan sa pag-anunsyo na ng mga nagwagi sa 69th Miss Universe

- Maging ang pagpapasa ng korona ng dating Miss Universe sa pinakabagong itinanghal ay nagawan din ng memes ng mga netizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naibsan ang lungkot at panghihinayang ng mga Pinoy sa kinahinatnan ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe nang makita nila ang iba't ibang memes na lumabas kaugnay sa nasabing kompetisyon.

Nalaman ng KAMI na sa halos simula pa lamang ng pageant, hindi nakawala sa paningin ng mga netizens ang tila kulang na energy ng co-host ni Mario Lopez na Olivia Culpo.

Nagtrending pa talaga ito sa Twitter at naglabasan din ang mga suhestyon nila sa kung paano sana mag-host si Culpo sa Miss Universe.

Miss Universe memes, agad na naglabasan at kinagiliwan ng mga netizens
Photo from Neil Justine Martinez/John Marx Penuela Larosa
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumunod na rito ang mga kakatwang hango sa mga kaganapan sa pag-aanunsyo ng winners.

Napatawa ang mga nanlumong Pinoy nang makita ang caption ng bawat eksenang nakunan ng ibang netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi ni John Marx Penuela Larosa ang ilan sa mga nakalap niyang post ng mga viral na memes at caption ng post:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, si Andrea Meza ng Mexico ang itinanghal na nanalo sa katatapos lamang na Miss Universe na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida ngayong Mayo 17.

First runner-up naman ang pambato ng Brazil na si Julia Gama, second runner-up si Miss Peru, Janick Maceta, third runner-up si Adline Castelino ng India, at fourth runner-up ang kinatawan ng Dominican Republic na si Kimberly Perez.

Pumasok pa rin sa top 21 ang Pinoy pride na si Rabiya Mateo na labis na sinuportahan hindi lamang ng kanyang mga kababayan kundi maging ng ibang mga nasyunalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel